Tuwing nagbubuntis at matapos manganak, maraming pagbabago ang pinagdadaanan ng katawan ng isang babae. Karamihan ay nadadagdagan ang timbang dahil sa pagbubuntis. Kaya naman matapos manganak, pursigido sila na ibalik ang kanilang pre-pregnancy body! Isa na sa kanila ay ang celebrity mom na si Anne Curtis.
Matatandaang isang taon na rin ang nakalipas matapos ipanganak ni Anne si Baby Dahlia Amelie, ang panganay nila ng kanyang asawa na si Erwann Heussaff.
Bago pa man sya magbuntis, kilala na ang “It’s Showtime” host bilang isang health and fitness buff! At nang manganak siya, sinigurado ni Anne na mayroon pa rin siyang oras para sa kanyang sarili.


Read Also: Kahit pa Maagang Nabyudo, Wowie de Guzman, Pinipilit Itaguyod ang Anak Bilang Isang Single Dad
Sa katunayan, nagagawang pagsabayin ng aktres ang kanyang mommy duties at exercises! Talagang nakakamangha ang dedication ni Anne sa kanyang sarili.
Magaling rin mag-manage ng kanyang schedule ang aktres, kaya naman minsan ay napagsasabay niya rin ang pag-aalaga kay Dahlia at pag-eehersisyo.
Sa social media, madalas ring ibahagi ni Anne ang kanyang fitness routine. Minsan pa nga, kahit nasa stroller si Dahlia ay nagagawa niyang magsingit ng kanyang exercise routine. Ayon kay Anne, ito rin ang sikreto niya upang maging fit at sexy pa rin kahit siya ay isang mommy na.


“Squeezing in a work is always tricky now that I have a little one. So, happy to discover this fun way of working out while going on my daily walks with Dahlia. Thanks for the inspo @melissawoodhealth! It’s so good! P.S – the back and forward movement put her to sleep in time for her morning nap.”
Bukod sa kanyang regular routine, dedicated rin si Anne sa kanyang healthy diet. Dahil dito, maraming fans ang na-iinspire sa aktres!
Talagang pinatunayan ni Anne Curtis na kahit pa mommy ka na, mahalaga pa ring pangalagaan mo ang iyong sarili.

Read Also: Jose Manalo, May Relasyon Nga ba sa Isang Dating Miyembro ng EB Babes? Dancer, Nagsalita na!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment