"It's so sad"- Ina Raymundo, Aminadong Hindi na Sweet ang Asawa Niya Matapos ang 20 Years!

Ayon nga sa kasabihan, masusubok mo ang pagmamahalan niyo sa paglipas ng panahon. Isa sa mga tanda ng matibay na relasyon ay ang pagkakaroon ng pagmamahal at tiwala kahit pa ilang taon na ang lumipas. Maaaring magbago ang taong kasama mo, ngunit ang pagmamahal niyo sa isa’t-isa ay mananatiling totoo! Ito rin ang personal na karanasan ng aktres na si Ina Raymundo.

Mahigit dalawang dekada na ring kapareha ni Ina Raymundo ang kanyang Canadian na asawa na si Brian Poturnak. Bago sila ikasal ay dalawang taon muna silang nag-date.

Hindi nagtagal ay nabiyayaan ng limang anak ang dalawa. Sa kanyang nakaraang interview, nag-open up rin si Ina tungkol sa kanilang pagsasama ni Brian.

Read Also: SPOTTED: Coco Martin at Julia Montes, Magkasamang Nag-Bakasyon sa Boracay!

Ayon sa 45-anyos na beteranang aktres, matapos ang halos 20 years na pagsasama ay hindi na masyadong sweet at romantic sa kanya ang kanyang asawa. Ngunit kahit wala ng ‘kilig factor’ sa kanilang relasyon, aminado si Ina na namimiss niya ito, lalo pa’t ma-effort ang kanyang asawa noong mga ligawan stage pa lamang nila.

“Nu’ng nagdi-date palang kami nu’ng bago palang kami talagang he swept me off my feet ganu’n. Hindi ko na maisip in particular pero he really spoiled me all that.

20 years later, he’s still a very good husband but ‘yung pagiging romantic talaga it’s so sad nawawala na after so many years kaya kailangan talaga extra effort from the guy not from women it should be the guy.”

Sa kabila ng lahat, aminado naman ang aktres na naka-jackpot siya sa kanyang asawa. Bukod sa pagiging faithful husband, responsableng ama rin daw si Brian sa kanilang mga anak. Kaya naman hindi pinagsisisihan ni Ina na pinakasalan niya ito.

Bukod pa dito, nilinaw rin ng aktres na hindi lang kilig ang mahalaga sa isang relasyon. Mas nanaisin niya pa raw ang magkaroon ng asawang hindi masyadong sweet pero loyal, kumpara sa asawa na sweet pero babaero!

“Of course there is love kasi ang asawa ko sobrang bait. May mga lalaki nga sobrang romantic pero malaman mo hindi lang pala ikaw. So mas gugustuhin ko na ‘yung super nice person, he’s such a good father to our kids. So mas pipiliin ko na ang hindi romantic kaysa sa romantic na ladies’ man na matinik. Kaya pipiliin ko na ‘yung asawa ko ng 18 years.”

Read Also: “Akala niya tumutulong pero lumabag pala siya sa batas”- Abogado, Pinuna ang Pulubi Vlog ni Ivana Dahil Krimen Daw Ito!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment