Mukhang napaka-espesyal ng naging 31st birthday celebration ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Dahil ngayong taon, sa wakas ay isinapubliko na ni Gerald ang kanyang relasyon kay Julia Barretto! Ilang araw bago siya magdiwang ng kanyang kaarawan, ibinunyag ng 31-anyos na aktor kay Boy Abunda na si Julia na nga ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon.
Bilang supportive girlfriend, present naman si Julia sa birthday celebration ng kanyang boyfriend. Ayon pa sa ibang sources, mukhang ang aktres mismo ang nag-organize ng isang surprise birthday party para kay Gerald! Present si Julia, pati na rin ang kanilang mga pamilya at kaibigan sa birthday celebration.

Read Also: Silipin ang Bonggang Mansyon ni Derek Ramsay na Mayroong Sariling Elevator sa Loob!
Upang mas romantic, sa beach mismo ito ginanap. Ayon sa mga showbiz insiders, mukhang sa resort ni Gerald sa Subic, Zambales, ginanap ang maliit na salu-salo.
Konti lamang ang mga dumalo dito, kasama na ang nanay ni Julia na si Marjorie Barreto at ang mga kapatid niya. Naki-celebrate rin si Piolo Pascual, na malapit na kaibigan ni Gerald.
Sa isang video na kumakalat sa social media, makikita ring naghanda ng espesyal na mensahe si Julia para sa kanyang boyfriend. Binati ng 23-anyos na aktres si Gerald, at nagbigay pa ito ng nakakakilig na birthday message.


“I always appreciate you, may God bless you more.” Nag-share rin ng isang sweet na kiss ang dalawa, bagay na kinakilig naman ng mga guests!
Matatandaang noong nakaraan lamang nang isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon. Taong 2019 pa lamang ay na-link na sila sa isa’t-isa, matapos mag-film ng pelikulang “Between Maybes” sa Japan.
Matapos iyon, naghiwalay na si Gerald at ex nitong si Bea Alonzo, at nadawit ang pangalan ni Julia. Sa kabilang banda, maraming fans naman ang masaya para sa dalawa.
Matapos ang matagal na pagtatago, sa wakas ay ganap nang maipagsisigawan ni Julia at Gerald ang pagmamahal nila sa isa’t isa!

Read Also: Larawan ni John Lloyd Cruz na Sugatan sa Loob ng Jeep, Umani ng Reaksyon sa Social Media!
Anong masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment