Andi Eigenmann, Proud sa Mag-Amang si Ellie at Jake Matapos Bumida sa Isang Magazine

Kahit hiwalay na ang nanay at tatay, mayroon pa rin silang responsibilidad sa kanilang mga anak. Hindi madali ang co-parenting, o pagganap sa iyong mga responsibilidad kahit pa hiwalay na kayo ng iyong partner. Gayunpaman, para sa dating celebrity couple na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, effective ang kanilang co-parenting pagdating sa kanilang anak na si Ellie.

Kahit pa hindi sila nagkatuluyan, maayos pa rin ang relasyon ni Andi at Jake sa isa’t-isa para sa kapakanan ng kanilang anak na si Ellie. Lumaki si Ellie na malapit sa kanyang mommy at daddy. Sa katunayan, kamakailan lang ay naging cover si Jake at Ellie ng Mega Magazine na Modern Parenting.

Read also: “Masasayang lang lahat”- Lolo na Naglalako ng Pichi-Pichi, Naghinagpis Matapos Mabasa ng Ulan ang Paninda Niya

Sa kanilang interview, ibinahagi rin ni Jake ang umuusbong na relasyon nilang mag-ama. Noon una raw ay hindi ito naging madali, lalo pa’t 21-anyos lamang si Jake noon nang isilang si Ellie.

Gayunpaman, paglipas ng panahon ay mas lalo niya raw natutunan ang maraming bagay upang mapalaki nang maayos si Ellie.

“She’s already past the age when she would just play all day, and she’s started to tease me a lot, telling me straight up if my jokes or TikTok moves are fails. It’s a pretty interesting stage we’re in right now and I’m trying to cherish every moment of it because she is just growing up too fast,” pahayag ni Jake.

Sa katunayan, parang magkapatid na lang daw sila ngayon! Mabilis na ring makasabay si Ellie sa mga uso sa social media, at minsan ay nagagawa rin daw niyang asarin ang kanyang daddy. Noong quarantine naman ay mas lalong napalapit ang dalawa sa isa’t isa matapos maabutan ng lockdown si Ellie sa bahay ng kanyang daddy, habang nasa Siargao naman si Andi.

Sa kabilang banda, proud mommy naman si Andi sa bagong achievement ng kanyang panganay. Sa Instagram, ibinahagi ni Andi ang picture ni Ellie at Jake. Ayon kay Andi, proud siyang makita na isang covergirl na naman si Ellie, at sa pagkakataong ito, kasama niya pa ang kanyang daddy.

Read also: “Wala po kasi siyang handa”- Magkakaibigan, Nag-Ambagan Upang Sorpresahin ang Kanilang Tropa sa Birthday Nito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment