Bilang isa sa mga pinakasikat na Youtube stars, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming fans ang pinapangarap si Ivana Alawi. Ngunit ayon sa 23-anyos na aktres, may naranasan na rin siyang pangit na date kasama ang isang sikat na aktor! Sa kanyang interview kay Toni Gonzaga, ibinahagi ni Ivana ang disaster date nila.
Noong nasa restaurant na sila, doon daw nakita ni Ivana ang tunay na ugali ng kanyang ka-date. Ayon sa aktres, nagulat siya kung paano nito tratuhin ang isang waiter! Sinigaw-sigawan daw nito ang waiter hanggang sa mapaluha na lamang ito. Hindi naman ito pinalagpas ni Ivana.


Read Also: Tom Rodriguez at Carla Abellana, Bakit Nga Ba Itinago ang Secret Engagement Mula sa mga Fans?
“Pero siguro hindi niya alam sobrang na-turn off ako dun. The way that he treated that waiter. Sabi ko, kung ganyan siya magtrato sa waiter, di ba, he can treat me, anyone else, like that. Like, he could treat me, he could treat my family… sabi ko, ang lala niya.”
Hindi naman pinapagpas ni Ivana ang pangyayaring ito. Agad niyang sinundan ang waiter at humingi siya ng pasensya dito. Hindi na rin daw niya pinatagal ang kanilang date, at tuluyan na siyang nag-walk out dito. Ayon kay Ivana, talagang na-turn off siya sa pambabastos na ginawa nito.

“Ayoko ko ng ganun talaga. Nag-walkout talaga. Akala niya siguro nao-off ako sa kanya, pero hindi ko na inisa-isa, na parang, ‘Bastos ka magtrato ng ibang tao.’ Pag nagkita kami, parang, ‘Dedma ha! ‘Stranger?’ Sama ng ugali mo!”
Sa kabilang banda, hindi naman pinangalanan ni Ivana ang naka-date niya. Ngunit nilinaw niya na isang artista ito. Ayaw na raw maulit ni Ivana ang nangyari sa dati niyang vlog, kung saan marami ang nanghula sa katauhan ng ikwinento niya.

Read Also: Independent Woman! Ivana Alawi, Hindi Ipinagkaila ang Trabaho Niya Dati Bilang Waitress sa Bahrain
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na video, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment