Maraming kahanga-hangang aktor sa industriya ng showbiz na talaga namang tumatak sa puso ng mga fans. Kabilang na dito si Diether Ocampo, na isa sa mga pinakasikat na matinee idol noong early 2000s. Tumatak si Diether sa puso ng mga fans dahil sa taglay nitong galing sa pag-arte. Ilang teleserye at pelikula na rin ang pinagbidahan ni Diether na talaga namang pumatok sa masa.
Ngunit nagtataka ba kayo kung bakit bigla na lamang nawala sa showbiz si Diether? Ilang taon ring namalaan sa pag-arte ito at noong 2019, nabalitaan na lang ng mga fans na sumailalim pala sa seafarer’s training sa Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training si Diether.

Read Also: “It’s so sad”- Ina Raymundo, Aminadong Hindi na Sweet ang Asawa Niya Matapos ang 20 Years!
“Nakilala ko lalo kung sino ako. Nakilala ko kung ano ang mga Pilipino, nakilala ko kung gaano kayaman ang Pilipinas pagdating sa tao. Kaya nagdesisyon ako na mas mabuti pa siguro na pasukin ko ang mundo ng seafarer,” pahayag ni Diether sa kanyang nagdaang interview.
Ngunit matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay magbabalik telebisyon na rin ang aktor! Talagang maraming fans ang naging excited matapos malaman na kabilang si Diether sa mga casts ng isang upcoming na teleserye na “Huwag Kang Mangamba” sa kanyang home network na ABS-CBN.


Bago siya magbalik showbiz, ibinuking rin ng aktor na naging busy siya sa kanyang personal na buhay. Sinamantala rin niya ang kanyang showbiz hiatus upang mas mag-focus sa ibang career.
“Kasi sa mga katulad namin, we’re always busy trying to improve ourselves. In my case, I’ve been doing some training, conditioning, mentally and of couse, physically, most importantly in this challenging times lalo na may pandemic.”
Kamakailan lang ay ipinalabas na rin ang trailer ng “Huwag Kang Mangamba.” Pagbibidahan ito ni Francine Diaz at Andrea Brillantes. Makakatrabaho rin ni Diether dito sina Eula Valdez, Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino, Kyle Echarri, Dominic Ochoa, Angeline Quinto, Enchong Dee, at marami pang iba.


Read Also: Pia Wurtzbach, Nagpakabaliw Dahil sa Lalaki at Kinalimutan ang Career at Pamilya!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment