"Very, very close kami"- Jeric Gonzales, Ibinunyag na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Sheryl Cruz!

Maraming fans ang kinikilig sa tambalan ni Sheryl Cruz at Jeric Gonzales. Sila ang lead stars ng romantic teleserye na “Magkaagaw.” At kahit pa malaki ang agwat ng edad ni Sheryl at Jeric, hindi ito naging hadlang para magkaroon sila ng chemistry. Ngunit maaari kayang magbunga ito ng totoong relasyon?

Kamakailan lamang ay ininterview sa “The Boobay and Tekla Show” ang 28-anyos na aktor. Sa kanyang interview, nag open up din si Jeric tungkol sa totoong namamagitan sa kanila ni Sheryl. Nang tanungin kung may namumuong romansa nga ba sa kanila ay isa lamang ang isinagot ni Jeric.

Read Also: Kapuso Hunk Actor Jeric Gonzales, Mas Gusto Raw ang Matandang Kapareha sa Kanyang Relasyon!

“Alam n’yo naman naging close kami sa Magkaagaw so kung ano man ‘yung friendship namin ngayon, sa amin na lang ‘yun siguro. Very, very close kami. Special ‘yun.  Sabi ni Jeric, “Mas may experience ang babae, mas marami akong matutunan, ‘di ba?” saad ni Jeric.

Bukod pa dito, ibinahagi rin ni Jeric na mas gusto niya ang mga babaeng may edad pagdating sa relasyon. Ayon kay Jeric, mas marami siyang matututunan sa babaeng mas matanda sa kanya sa kadahilanang mas matured ito. Matatandaang 20 years rin ang agwat ng edad ni Jeric at Sheryl.

Mukhang ganito rin ang opinyon ng 48-anyos na aktres. Sa kanyang nakaraang interview, ibinunyag ni Sheryl na hindi dealbreaker sa kanya ang pagkakaroon ng malaking age gap. Ayon naman kay Sheryl, kung wala kang natatapakan na tao sa inyong pagmamahalan ay ayos lang ito.

“For as long as you respect each other and you love each other, yun ‘yon. Keber kung ano ang sabihin ng iba. For me, for as long as both of you are of age, at wala kayong sinasaktang kahit sinong tao. I don’t really know about the others, pero kung ikaw naman ay nang-aagaw, ibang usapan na ‘yon,” pahayag ng beteranang aktres.

Read Also: Maja Salvador, Nanindigan sa mga Boss ng ABS-CBN sa Desisyon Niyang Mag-Lipat Network

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na kwento o viral na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment