Isang taon na rin ang nakalipas simula nang magkaroon ng alitan si Sarah Geronimo at ang kanyang nanay na si Mommy Divine. February 21 nang ikasal ang “Popstar Royalty” sa kanyang long-time boyfriend na si Matteo Guidicelli. Sa gitna ng kanilang private wedding, biglang umeksena si Mommy Divine at pinilit na itigil ang kasal. Napabalita rin ang tinatawag na ‘Divine Intervention’ na ito.
Simula noon, ayon sa mga sources ay hindi na muling nagpansinan ang mag-ina. Ilang beses raw nag-reach out si Sarah upang kumustahin ang kanyang ina, ngunit si Mommy Divine na mismo ang umiiwas. Ayon pa sa mga kumakalat na balita, pina-ban raw ni Mommy Divine si Sarah mula sa subdivision nila.


Read Also: Ivana Alawi, Naiyak sa Kabaitan ng Matandang Vendor na ito Matapos Siyang Magpanggap na Pulubi!
Dahil dito, maraming fans ang nalungkot dahil sa nasirang relasyon ng dalawa. Ngunit maraming netizens rin ang nagsabi na masyadong ‘controlling’ si Mommy Divine sa kanyang anak. Gayunpaman, bukas raw ang tahanan ni Sarah at Matteo anytime na ready na si Mommy Divine na muli silang kausapin.
Kamakailan lang ay umugong ang bali-balitang mukhang nagkaayos na ang dalawa. Sa Instagram, nagbigay ng hint si Sarah tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng kanyang nanay. Prinomote ng 32-anyos na singer ang mga organic fruits and vegetables na galing mismo sa farm ni Mommy Divine.

“Freshly harvested organic fruits and vegetables from my Mama’s farm. Order now,” ito lamang ang mensahe ni Sarah, katabi ng litrato ng mga prutas. Dahil dito, napaisip ang mga netizens kung back to normal na nga ba ang relasyon ng dalawa. Napatawad na nga kaya ni Mommy Divine si Sarah?
Sa kabilang banda, mukhang masaya naman ang buhay mag-asawa ni Sarah at Matteo. Sa ngayon ay wala pa raw plano ang dalawa na magkaroon ng baby, ngunit naglu-look forward sila sa panibagong chapter ng kailang buhay mag-asawa.
Read Also: Pera-Pera nga Lang ba? Rob Moya, Sinimot Raw ang Savings Account ng Anak ni Toni Fowler!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment