Sa maraming bansa, ilegal ang pag-iiwan ng mga bata sa loob ng sasakyan ng walang kasamang magulang. Maaari itong magdulot ng mga aksidente. Sa katunayan, kapag lumabag ka dito ay maaari kang pagmultahin o panagutin lalo pa’t kung nailagay sa panganib ang buhay ng bata. Sa kasamaang palad, maraming magulang ang nananatiling ignorante sa batas na ito.
Kapag naiwan ang bata sa loob ng naka-lock na sasakyan, maari itong magdulot ng suffocation dahil walang sirkulasyon ng hangin sa loob ng sasakyan.
Bukod pa dito, mabilis ring uminit ang loob ng sasakyan kapag naka-park sa ilalim ng araw. Maaari itong magdulot ng peligro lalo na kung walang kasamang matanda ang bata sa loob.

Read Also: Kahit pa Maagang Nabyudo, Wowie de Guzman, Pinipilit Itaguyod ang Anak Bilang Isang Single Dad
Kamakailan lang, dalawang bata ang na-rescue matapos ma-trap sa loob ng sasakyan. Sa isang video na viral na ngayon sa social media, kitang-kita ang nakakakabang pag-rescue sa dalawang bata na iniwan ng kanilang magulang sa naka-lock na SUV. Maraming tao ang nakapalibot sa sasakyan, na iniwang naka-park sa gitna ng daan.
Noong una ay sinusubukan pa ng mga taong buksan ang sasakyan sa pamamagitan ng lock picking. Tinanggal rin nila ang visor at sinisilip ang dalawang bata na nasa loob.
Ngunit nang hindi ito gumana, nagdesisyon na ang mga nakapalibot na tao na basagin ang salamin ng sasakyan upang mabuksan ito. Sa ilang minuto na tinatangka nilang buksan ang sasakyan, hindi dumating ang mga magulang o guardian ng bata.

Matapos ang ilang minuto, matagumpay na nailabas nila ang mga bata mula sa sasakyan. Ang isang batang babae ay hinihinalang nasa 3-4 anyos pa lamang, samantalang wala pang 2 taon ang kanyang kasamang kapatid na nasa car seat pa.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang hindi mapigilang magalit dahil sa kapabayaan ng magulang ng mga bata. Ayon sa iba, dapat daw ay mapatawan sila ng parusa o multa dahil maaaring masuffocate ang kanilang mga anak sa loob ng sasakyan. Silipin ang ibang komento dito ng mga netizens:
“Salute sa rescuers. Godbless you mga sirs!”
“Buti na lng napansin ng mga tao..kawawa bata if masufocate”
“Dapat makulong ang mga magulang nyan. Walang kaisipisip para iwan ang bata.”

Read Also: Jose Manalo, May Relasyon Nga ba sa Isang Dating Miyembro ng EB Babes? Dancer, Nagsalita na!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment