Kamakailan lang, bumaha ng maramdaming mensahe ang Twitter ng social media influencer na si Jelai Andres. Ibinunyag ni Jelai na may matindi silang pinagdadaanan ng asawa niyang si Jon Gutierrez. Nahuli niya ang dating Ex-Batallion member na mayroong babaeng kinakasama! Ang masaklap pa dito, hindi lamang ito ang unang beses na nahuli ni Jela si Jon na nambababae.
Ayon sa mga posts ni Jelai sa Twitter at Facebook, mayroong batang kinakasama si Jon ngayon. Nalaman niya rin na July pa nagsimula ang relasyon nila, at itinago ito sa kanya ni Jon. Hindi pa nakuntento si Jon sa pambababae nito, at binilihan niya pa ng condo at binigyan ng brand new iPhone ang kabit niya!


Read More: Mario Maurer, Nalaos nga ba Dahil kay Kakai Bautista? Kampo ng Thai Actor, Nagbanta ng Kaso!
Sinubukan ni Jelai i-message ang babae upang hanapin si Jon, ngunit ito pa daw ang may lakas ng loob na awayin siya! Ito rin ang nagtulak kay Jelai para ibuking sa Facebook ang panlolokong ginawa nila. Sa kabila ng lahat, hindi naman niya pinangalanan muna ang babae ni Jon.
“Ang lasinggero pwede pa magbago pero ang sobrang babae, lalaking di natututo at walang awa eh malabo pa sa usok na blue. Don’t underestimate the power of a private investigator. Ateng ang bata mo pa, baka mapagalitan ka ng mga magulang mo,” pahayag ni Jelai sa kanyang mga tweets.


Sa Facebook, nagpasaring rin si Jon tungkol sa mga kapamilya ni Jelai. Ayon kay Jon, hindi na nila napag-uusapan ‘in private’ ang kanilang mga problema mag-asawa dahil laging nakikisawsaw ang pamilya ni Jelai. Sinagot at hinamon naman siya ng ate ni Jelai, na nagsabing walang respeto sa kanila si Jon.
“Bastos ka, sa buong pamilya namin ako lang ang kumakausap sayo kahit noon pa! Kinakaawaan pa kita kaya never ka nakarinig ng kahit anong katiting sakin sa pangloloko mo sa kapatid ko. At never ka nagsorry sa parents namin! Pero lagi kang pinapatawad ni Jelai!”
Read Also: Kris Aquino, Ibinuking ang Dahilan Kung Bakit Umalis ang Kanyang Trusted Yaya na si Bincai


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment