Mario Maurer, Nalaos nga ba Dahil kay Kakai Bautista? Kampo ng Thai Actor, Nagbanta ng Kaso!

Isa si Mario Maurer sa mga pinakahinahangaang Thai actor ngayon. Milyon rin ang fans ng Thai actor sa buong mundo, at paniguradong maraming babaeng fans ang nahuhumaling kay Mario! Taong 2016 nang magulantang ang mga fans matapos ma-link ang Thai actor sa Pinay comedienne na si Kakai Bautista. Ilang beses ring nakitang lumabas sa publiko ang dalawa.

Dahil dito, umugong ang bali-balitang may namamagitan sa dalawa. Nagbabahagi rin ng kanilang sweet selfies si Kakai sa social media.

Ngunit hindi naman kinumpirma ng kampo ni Mario Maurer ang mga kumakalat na kontrobersya. At base sa sulat na ipinadala nila kay Kakai nitong nakaraan lamang, mahihinuhang hindi sila pabor sa komedyante.

Read Also: “Sama ng ugali mo!”- Ivana Alawi, Ibinunyag ang Bastos na Artista na Nakasama Niya sa Isang Disaster Date!

Noong March 22 ay nagpadala ng isang cease-and-desist letter ang kampo ni Mario kay Kakai. Ayon sa nakasaad sa letter, simula nang ma-link si Mario kay Kakai ay nalugmok ang career nito. Marami rin daw projects ang nawala sa aktor, kaya naman pinakiusapan nila si Kakai na wag na muling gagamitin ang pangalan ni Mario.

“Thus, we would like to confirm that all the statements made by Catherine ‘Kakai’ Bautista are hereby denied as the same are all false and untrue. By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws.”

Kaugnay ito ng nagdaang interview ni Kakai, kung saan sinabi niyang paminsan-minsan ay nag-a-I love you pa rin sa kanya si Mario. Matapos ito, agad nagpadala ng letter ang kampo ng aktor na may subject na: Demanding to Cease, Desist and Refrain from further use and reference of the name of Mario Maurer. Bukod pa dito, nagbabala rin sila na kakasuhan si Kakai kapag hindi ito tumigil.

Sa kabilang banda, hanggang ngayon naman ay hindi pa naghahayag ng kanyang saloobin ang comedian. Maging ang manager ni Kakai na si Freddie ay wala pa raw natatanggap na sulat, kaya’t hindi pa sila nakakapagbigay ng sagot dito.

Read More: 23-Anyos na Groom, Pinakasalan ang Matandang Bride Kapalit ng P4.8M at Brand New Ferrari!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment