Mala-Fairytale Prenup Photoshoot ng Mag-Asawang Mangangalakal, Nagpaantig sa mga Netizens!

Isang espesyal na pangyayari ang pre-nup pictorial. Para sa karamihan ng couples na malapit ng ikasal, isa sa mga kaabang-abang na kaganapan sa kanila ay ang photo shoot na ito. Ngunit hindi rin maipagkakaila na magastos ang mga photo shoots. Bukod sa wardrobe at make up, kailangan mo ring magbayad para sa props at sa magaling na photographer.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit para sa karamihan ay isang pangarap na lamang ito. Kamakailan lang ay nagtulungan ang mga wedding supplier at coordinator sa Pampanga para mabigyan ng mala-fairytale na prenup shoot ang mag-asawang ito! Nangyari ang lahat ng ito sa pangunguna ng fashion stylist at makeup artist na si Richard Strandz.

Read Also: “It’s so sad”- Ina Raymundo, Aminadong Hindi na Sweet ang Asawa Niya Matapos ang 20 Years!

Nais ni Strandz na matupad ang pangarap ng mag-asawang sina Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Mahigit dalawang dekada na silang kasal.

Ngunit sa loob ng 24 years na pagsasama nila, hindi pa nila naranasan ang magkaroon ng prenuptial photoshoot. Kaya naman humingi si Strandz ng tulong mula sa ibang wedding suppliers para maisakatotohanan ang pictorial na ito.

“Tinry ko na kausapin lahat yung mga Pampanga suppliers na mga friend natin and then pumayag naman sila. Tinulungan ko na sila nung isang araw na mag-ayos ng CENOMAR, ng birth certificates nila and then ipa-process na namin niyan ‘yung marriage license nila, so ang alam nila is simpleng wedding lang,” pahayag ni Strandz, na dati na ring nag make-over sa isang mangangalakal.

Kaya naman nasopresa ang mag-asawa matapos makitang mayroong bonggang pictorial na naghihintay sa kanila! Sa mga larawan, mababakas rin ang kasiyahan sa mmukha ni Rosalyn at Rommel dahil sa espesyal na karanasang ito. Karamihan sa kanilang mga shots ay kinuha sa lansangan ng Angeles City.

Maraming netizens rin ang namangha sa malaking transformation ng mag-asawa! Halos hindi na makilala si Rosalyn at Rommel matapos ang kanilang mga makeover.

Ayon pa sa mga netizens, paniguradong hindi makakalimutan ng mag-asawa ang experience na ito, lalo pa’t tuwing sisilayan nila ang kanilang mga larawan.

Read Also: Pia Wurtzbach, Nagpakabaliw Dahil sa Lalaki at Kinalimutan ang Career at Pamilya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment