SPOTTED: Coco Martin at Julia Montes, Magkasamang Nag-Bakasyon sa Boracay!

Dahil malapit na ang summer, painit ng painit na rin ang panahon. Kaya naman maraming tao ang excited na pumunta ng beach at mag-relax. Kahit mga artista ay nais ring mag-unwind, at isa na sa kanila ay ang rumored celebrity couple na sina Julia Montes at Coco Martin! Kamakailan lang ay naispatan ang dalawa na magkasama sa airport.

Ibinahagi ng Facebook page na “CocoJulia World” ang larawan ng dalawa na kuha ng isang netizen. Sa mga larawan, makikitang nakatakip ang mukha ni Coco at Julia gamit ang full face shield.

Gayunpaman, kahit hindi kita ang kanilang mga mukhja ay kumpirmado raw na sila Coco at Julia ito ayon sa mga showbiz insiders.

Read More: Ivana Alawi, Ipinag-Shopping at Niregaluhan pa ng Motor ang Kutsinta Vendor na Tumulong sa Kanya!

Sa mga larawan, makikitang pumipila ang dalawa sa isang pribadong area sa airport. Ayon pa sa mga sources, magbabakasyon daw sila Julia at Coco sa Boracay, kaya naman pang vacation mode talaga ang kanilang porma! May isang witness rin ang nag-komento na clingy si Coco sa kanyang rumored girlfriend.

“Akala ko si Juls yung sweet and clingy, pero baliktad! Hahaha si Coco yung medyo touchy kay Juls. More hawak sa bewang or sa hands. Last day na kase namin nung nakita namin sila, and di kami masyado nanggulo kasi moment nila yon. PS sobrang ganda ni Julia!”

Kalaunan ay nagbahagi rin si Coco ng kanyang larawan na nakasakay sa isang shuttle sa Boracay. Suot niya rin ang puting polo na sinuot niya sa airport, patunay na siya nga talaga iyon. Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang kinilig matapos makita ang larawan ng dalawang ito na magkasama!

Kamakailan lang ay naispatan rin si Julia at Coco na magkasamang nagja-jogging sa loob ng isang exclusive subdivision. Taong 2018 naman nang mapabalitang may anak na ang dalawa, ngunit hanggang ngayon ay mas piniling manahimik ng kanilang kampo tungkol dito.

Read Also: Netizens, Pinag-Iingat si Yam Concepcion kay Gerald Anderson Dahil sa Bagong Teleserye Nila

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment