Isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga pinakahinahangaang celebrities ngayon sa showbiz. Ngunit alam niyo ba na bago makoronahan, naranasan rin ni Pia ang pagiging sawi sa pag-ibig? Sa kanyang nagdaang interview, ibinahagi ng 31-anyos na beauty queen ang kanyang pinagdaanang ‘toxic’ relationship. Nagpakatotoo si Pia tungkol sa ex-boyfriend niya dati.
Ayon sa beauty queen, dumating sa punto na hindi na niya nakakasama ang kanyang pamilya at kaibigan para lamang sa taong ito. Naging isang ‘yes girl’ din daw siya para dito, at maging ang kanyang career ay isinugal niya. Ngunit noong 2015, matapos siyang manalo sa Miss Universe ay hiniwalayan siya nito.

Read Also: SPOTTED: Coco Martin at Julia Montes, Magkasamang Nag-Bakasyon sa Boracay!
“Under ako noon sa lalaki. Yung parang kung ano yung sabihin niya, ‘yon ang masusunod. Hindi ako lalaban kahit alam kong mali. I didn’t really have a voice. So, I was that kind of girl. I was very submissive. I gave up my career, I stopped doing the jobs that I was doing, which also meant I didn’t have an income.”
Aminado rin si Pia na napabayaan na niya ang kanyang pamilya at career para lamang sa lalaking ito. Nawalan siya ng trabaho at maging ang mga kaibigan niya ay napabayaan na niya. Noong mga panahong iyon, ibinahagi ni Pia na naging under siya sa kanyang ex-boyfriend.


Ngunit isang araw ay nagising na lamang si Pia at natauhan siya sa relasyon nila. May payo rin si Pia sa mga kababaihan na may parehong karanasan. Ayon sa beauty queen, dapat ay makahanap ng lakas ng loob na umalis sa ganitong klaseng sitwasyon upang makahanap ka rin ng tamang tao para sayo.
“That was a big learning experience for me, na hindi pwedeng Yes Girl tayo palagi. Totoo yung sinasabi nila na mahalin mo nang mahalin hanggang sa mapagod ka. Ibuhos mo na lang hanggang ikaw na mismo sumuko ka na. I gave it everything, all of my time, my efforts, my heart. And then, napagod ako. One day, I just woke up and then I left,” pagbabahagi ni Pia.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment