Silipin ang Bonggang Mansyon ni Derek Ramsay na Mayroong Sariling Elevator sa Loob!

Bilang isang artista, mahalaga na mayroon kang personal space upang mag-relax. Pagkatapos ng nakakapagod na araw sa shooting, talagang nakaka-relax nga naman ang umuwi sa iyong bahay upang magpahinga. Kaya naman todo invest ang mga artista upang pagandahin ang kanilang bahay. Isa na sa kanila ay si Derek Ramsay.

Ang mala-mansyon na dream house ni Derek ay nasa 850-square meter na lote sa isang exclusive subdivision sa Ayala Alabang. Dalawang taon rin daw ang construction nito, bago tuluyang maging ready para tirahan. Naudlot rin ito dahil sa pandemic, kung kaya naman August 2020 na nang makalipat ang aktor.

Photo: PEP

Photo: PEP

Read Also: Gerald, Aminadong Naging ‘Toxic’ Ang Relasyon Nila ng Ex-Girlfriend na si Bea Alonzo 

“It’s been a long road to get here, almost two years, but finally ‘tapos na. And we’re living here so now it feels like a home. I’d say mga ninety-eight percent, tapos na siya. I was supposed to move in December 2019, and then na-move to February, and then naabutan ng lockdown so I moved in August 2020.”

Idinesenyo ng batikang arkitekto na si Alexander Co ang bahay ni Derek Ramsay. Siya rin ang nagdisenyo ng mga bahay ng aktres na sina Claudine at Julia Barretto.

Ngunit kahit pa si architect Alexander ang nagdisenyo ng bahay, sinigurado naman ni Derek na mayroon pa ring personal touch ang kanyang dream home.

Photo: PEP

Photo: PEP

Sa kanyang interview, ibinahagi rin ni Derek na hands-on siya pagdating sa construction ng kanyang bahay.

Kaya naman kahit pa mayroong design ang arkitekto, mas gusto ni Derek na siya na ang mag-handle pagdating sa interior. Ayon sa aktor, nais niyang magkaroon ng full-control sa interior design ng bahay niya.

“He came up with the design and I fell in love with it, and then I added minor things here and there, twineak namin. The interiors, sabi ko, ‘This is my canvas, let me handle the interiors.’ He’s a really good architect. I love his design, but I really wanted to take control of what happens inside the house,” dagdag pa ng aktor.

Read Also: Residente sa Agusan del Sur, Ginagambala Daw ng Isang Sirena na Nangunguha Rin ng Bata

Photo: PEP

Photo: PEP

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment