Isabel Oli, May Mensahe Galing sa Bibliya Para sa mga Taong May Mabigat na Dinadala

Kilala si Isabel Oli sa pagiging talentadong aktres na bumida sa maraming teleserye noon. Ngunit ngayong tuluyan na niyang iniwan ang showbiz, mas pinili ng dating aktres na mag focus sa kanyang buhay pamilya. Dahil dito, nagkaroon rin siya ng oras upang mas makapag-focus sa kanyang sarili. Sa Instagram, madalas ring ini-inspire ni Isabel ang kanyang mga fans.

Kamakailan lang ay nag-open up si Isabel sa kanyang mga fans sa IG. Ayon sa dating aktres, hindi talaga mapigilan na makakaramdam tayo ng kalungkutan, lalo pa’t kung may problema. Ngunit sa kabila ng mga kinahaharap nating challenges sa buhay, importante raw ang laging pag-alala sa Diyos at sa mga salita nito sa bibliya.

Read also: “Masasayang lang lahat”- Lolo na Naglalako ng Pichi-Pichi, Naghinagpis Matapos Mabasa ng Ulan ang Paninda Niya

“We often times get trapped with self-pity and the sense of feeling entitled. Especially when we are hurt, down, and going through tough times. This daily devo I read this morning was pretty timely. I haven’t been well emotionally lately, and reading this today really lifted me. Surely, I have no one to thank, but my Father in heaven for His message.”

Ayon pa kay Isabel, may mga pagkakataon na nalulugmok rin siya dahil sa mga problemang kinakaharap niya. Aminado rin ang aktres na lagi siyang nag-o-overthinking, at dahil dito ay nakakagawa siya ng maling desisyon. Sa kabila ng lahat, lagi niyang pinapaalalahanan ang sarili na makinig sa salita ng Diyos.

Gumagaan rin daw ang kalooban ni Isabel tuwing siya ay nagde-devotion. Ang salita ng Diyos ay nagsisilbing lampara niya tuwing madilim ang daan. Dahil dito, pinayuhan niya rin ang kanyang mga fans na wag mag atubiling tumuon sa Diyos tuwing may mga bumabagabag sa mga ito.

“His word will truly be a lamp to our feet and a light to our path. (Psalm 109:105) It will guide you what to do. It will help you deal the situation with godly wisdom,” she said. “Read His word when in doubt, when you’re down, depressed, feeling lonely, and even when you are on cloud 9. Read it all the time.”

Read also: “Wala po kasi siyang handa”- Magkakaibigan, Nag-Ambagan Upang Sorpresahin ang Kanilang Tropa sa Birthday Nito!

Agree ka rin ba sa advice na ito ni Isabel Oli? I share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment