23-Anyos na Groom, Pinakasalan ang Matandang Bride Kapalit ng P4.8M at Brand New Ferrari!

Karamihan sa atin ay naghahanap ng ating magiging kapareha. Nangangarap rin tayo na ikasal sa isang taong talaga namang mahal na mahal natin. Ngunit isang mapait na katotohanan na hindi ito kayang makamit ng iba. May mga taong napipilitang ikasal sa hindi nila mahal, kagaya na lamang ng lalaking ito na kamakailan lang ay nag-viral sa social media.

Usap-usapan ngayon sa China ang ginawa ng isang lalaking ito na pagpapakasal sa ginang na mas matanda pa sa kanya! Pumayag siyang magpakasal sa babaeng mas matanda sa kanya kapalit ng kayamanan.

Ayon sa mga reports, naganap ang kasalan noong January 9. Ang 23-anyos na groom at 38-anyos na bride ay mula sa Qionghai, Hainan Province.

Read Also: Protective Jowa: Vice Ganda, Handang Makipagsapakan sa mga Lalandi kay Ion!

Noong una ay tutol ang groom at ang pamilya nito sa kanilang kasal. Bukod sa malaking age gap, alam rin nilang walang nararamdaman ang groom para sa ginang.

Ngunit bigla na lamang nagbago ang isip ng lalaki matapos malaman na may offer para sa kanyang malaking regalo ang babaeng ito!

Ayon sa mga reports, binigyan ng bride ng $100,000 o P4.8 million ang groom para lamang mapapayag ito sa kanilang pag-iisang dibdib! Bukod pa dito, nakatanggap rin umano ang groom ng brand new sports car na Ferrari, gold na mga alahas, pati na rin ng bahay at lupa.

Dahil dito, hindi na nakatanggi ang groom at pumayag na itong ikasal sila. Sa kabila ng kanilang malaking age gap, bali-balita rin na nabuntis ng groom ang bride, kung kaya naman marami rin ang excited sa susunod na chapter ng kanilang buhay bilang mag-asawa.

Maraming netizens rin ang napa-comment sa kwentong ito! Ayon sa iba, money can’t buy love, at malaki ang tsansa na maghiwalay rin sila. Ngunit maraming netizens rin naman ang naniniwala na magkakaroon sila ng mapayapang pagsasama at matibay na relasyon.

Read Also: “Sama ng ugali mo!”- Ivana Alawi, Ibinunyag ang Bastos na Artista na Nakasama Niya sa Isang Disaster Date!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment