Isang taon na rin ang nakalipas simula nang maipasara ang Kapamilya network. Matapos ang ABS-CBN shutdown, maraming artista ang naglipatan sa ibang network upang magkarooon pa rin ng proyekto sa kalagitnaan ng pandemic. Ngunit marami din naman ang nanatiling loyal sa kanilang home network, at isa na dito ay ang sikat na celebrity manager at comedian na si Ogie Diaz.
Sa kanyang nakaraang vlog, ibinahagi ni Ogie na nakatanggap na rin siya ng samu’t-saring offer mula sa Kapamilya network nitong mga nakaraang buwan.
Sa katunayan, inalok din siya ng role sa isang teleserye, ngunit tinanggihan ito ng batikang celebrity manager. Ayon kay Ogie, hindi pa raw siya ready sa lock-in taping.

Upang mapanatiling ligtas ang mga crew at stars, isinasagawa ang lock-in taping, kung saan naka-quarantine ang lahat ng staff. Kung sakali ay hindi raw ito kakayanin ng comedian dahil mabilis niyang mami-miss ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang mga anak.
Bukod pa dito, ibinunyag rin ni Ogie na mukhang malapit nang makabalik sa ere ang ABS-CBN. Ngunit kung mangyari man daw ito, may mga celebrities na hindi na muling makakabalik pa sa network.
“Ang alam ko lang kapag nakabalik ang ABS-CBN may mga artistang hindi na makakabalik kahit gustuhin pa nila. Ayoko nang mag-mention ng name pero may mga artistang alam nila na hindi na sila makakabalik katulad ng mga artistang sila pa mismo ang nag-uudyok na lumipat na kung saan sila lumipat. Feeling ko letter B as in Bravo, saka M as in Mama.”

Hindi naman pinangalanan ni Ogie kung sino-sino ang mga artistang tinutukoy niya. Nilinaw rin ni Ogie Diaz na hindi ito si Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M. Ayon kay Ogie, nakarating daw sa top management na kinukumbinsi ng mga artistang ito ang ibang Kapamilya stars na lumipat sa ibang network.
“Feeling ko lang ha, kasi ‘yun lang din ang naririnig-rinig ko na hindi na makakabalik because nag-iimbita pa ng mga artistang nandoon sa ABS (or) nag-stick with ABS tapos sila pa ‘yung, ‘halika na, punta na tayo doon’ ganyan-ganyan,” pahayag ng comedian.
Read Also: Maja Salvador, Napapabalitang Buntis Dahil Laging May Bitbit na Baby Bag

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment