"Balewala lahat ng iyon"- Sarah G, 'Hopeful' pa rin na Magkakaayos Sila ni Mommy Divine!

Talaga nga namang napakabuting anak ni Sarah Geronimo. Sa kabila ng alitan nila ng kanyang Mommy Divine, nag-bigay tribute pa rin ang ‘Popstar Royalty’ sa kanyang mga magulang kamakailan lamang. Sa kanyang film concert na ‘Tala,’ nagpahayag ng taimtim na mensahe si Sarah sa kanyang mga fans, kung saan binanggit niya rin ang kanyang mga mahal sa buhay.

“You can have all the riches in the world, lahat ng material things na gusto mo, pera na gusto mo, popularity na gusto mo, pero kung wala naman sa buhay mo ‘yung mga pinaka importante sa ‘yo, balewala lahat ng iyon,” pahayag ng singer sa kanyang Tala concert.

Read Also: Naaalala Niyo pa ba si Nikki Gil? Ito na ang Buhay Niya Ngayon Matapos Talikuran ang Showbiz!

Ngunit hindi man diretsahang tinukoy ni Sarah, nahinuha na ng mga netizens ang nais niyang iparating para sa kanyang Mommy Divine. Matatandaang February 2020 nang ikasal si Sarah sa kanyang long-term partner na si Matteo Guidicelli.

Nagkaroon sila ng alitan ng kanyang Mommy Divine, na tumutol sa kasal. Simula noon, hindi na naging malinaw kung nagkabati na ba ang mag-ina. Ngunit sa nakaraang concert ni Sarah, ‘hopeful’ pa rin daw siya.

“Life is not easy, may kanya-kanya tayong mga personal issues, pero focus on the positive things, be happy, be content, at enjoy. I am happy kasi in spite of all of the challenges, trials na hinaharap natin sa panahon ngayon, I choose to be positive, I choose to remain hopeful.”

Noong nakaraang buwan, prinomote rin ng singer ang organic fruits and vegetables mula sa farm ng kanyang Mommy Divine. Dahil dito, naisip ng mga netizens na mukhang nagkaayos na ang mag-ina. Noong December, namataan rin si Sarah na nag-celebrate ng Christmas kasama ang mga relatives ng kanyang ina.

Sa kabilang banda, kamakailan lang ay inilabas ni Matteo Guidicelli ang romantic post-wedding photos nila ni Sarah. Matapos ang kanilang secret wedding, nagkaroon daw ng pictorial ang dalawa.

Read More: Never-Before-Seen na Wedding Pictorial ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Pinagkaguluhan Online!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment