Balikbayan, Dismayado Matapos Makita ang Kalagayan ng Bahay na Ipinapagawa Niya Matapos Lokohin ng Kanyang Kapatid

Hindi biro ang pagiging overseas Filipino worker. Pikit-mata nilang tinatahak ang pagta-trabaho sa ibang bansa para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Karamihan sa mga OFWs ay nangangarap na magkaroon ng sariling bahay nila sa Pilipinas, kaya naman lagi rin silang nagpapadala ng pera upang pag-uwi niya ay mayroon silang naipundar.

Ngunit minsan, mali sila ng mga taong pinagkakatiwalaan ng kanilang pera. Isa na sa kanila ay ang dating OFW na si Rebecca Bustamante-Mills.

Kamakailan lang ay naitampok sa “Maalaala Mo Kaya” ang kwento ng dating OFW na ito, na ginampanan ni Angeline Quinto. Ilang taon ring nagtrabaho bilang isang domestic helper sa Singapore.

Read Also: “Sama ng ugali mo!”- Ivana Alawi, Ibinunyag ang Bastos na Artista na Nakasama Niya sa Isang Disaster Date!

Baon na sa utang ang pamilya ni Rebecca, kaya naman napilitan itong mag-abroad. Siya lamang ang tanging inaasahan ng kaniyang pamilya, kaya naman todo-kayod si Rebecca upang makapagpadala ng pera sa kanila sa Pilipinas. May sakit na ang kanyang nanay, at lasinggero naman ang kanyang tatay kaya siya na lamang ang inaasahan ng kanyang mga kapatid.

Bukod sa pagpapa-aral sa kanyang mga kapatid, nais rin ni Rebecca na maipaayos ang bahay nila. Nangangarap siya na matapos siyang mag-retiro ay makakapagpahinga siya at mayroong mauuwiang maayos na bahay sa Pilipinas. Ngunit hindi niya alam na niloloko na pala siya ng kanyang mga kapatid.

Sa kabila ng pera na ipinapadala niya para maipaayos ang bahay nila, nilulustay lamang ito ng kanyang mga kapatid na lalaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, nadismaya si Rebecca nang makitang nasasayang lang pala ang mga pinapadala niya, dahil hindi pinapaayos ng mga kapatid niya ang kanilang bahay.

Talaga nga namang napakaraming pinagdaanan ni Rebecca bilang isang OFW. Hindi nagtagal ay nakapag-asawa rin siya ng isang Canadian doctor na si Richard Mills. Sa kabilang banda, umani naman ng papuri ang episode na ito ng MMK dahil sa nakaka-antig na pag-arte ni Angeline Quinto.

Read Also: Protective Jowa: Vice Ganda, Handang Makipagsapakan sa mga Lalandi kay Ion!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment