Willie Revillame, Nagbanta sa mga Nagpapakalat na Nabuntis Niya si Hipon Girl

Maraming fans ang nagtataka kung bakit hindi na napapanood sa game show na “Wowowin” si Herlene Budol, na mas kilala bilang “Hipon Girl.” Matatandaang sa programang ito unang sumikat si Herlene, matapos siyang kagiliwan ni Willie noong nag-audition siya bilang contestant. Dahil sa kanyang kalog na personality, nawili rin ang mga viewers sa kanya.

Ngunit nitong mga nakaraang buwan, mapapansing hindi na lumalabas si Herlene sa programa. Nang magsimula ang pandemic, madalang na lamang lumabas sa “Wowowin” si Hipon Girl. Dahil dito, maraming netizens ang nagtataka kung ano ang dahilan samantalang palagi namang active sa social media si Herlene.

Read More: “Hahantingin kita, Aljur!”- Robin Padilla, May Banta sa Manugang na si Aljur Abrenica

May mga malisyoso ring balita na kumakalat online. Ayon sa mga tsismis, nabuntis raw si Herlene at ang ama ay walang iba kundi si Willie Revillame mismo. At kahit pa wala itong sapat na basehan at ebidensya, mabilis namang kumalat ang malisyosong tsismis na ito sa social media.

Kaya naman nagsalita na si Willie tungkol dito. Noong July 1, nilinaw ng host na walang katotohanan ang mga kumakalat na tsismis na ito. Ayon pa sa host, dapat ay mahiya ang mga nagpapalaganap nito lalo pa’t maraming taong nadadamay.

“Si Hipon, natsitsismis ho, e, nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi ho totoo ‘yan. Fake news ang ginagawa niyo. Mahiya naman kayo. Hindi ko totoo ‘yan. Huwag kayong naniniwala diyan, pati mga taong nananahimik. Kaya daw nawala si Hipon, nabuntis ko. Dyusko naman, ano magiging anak namin, hipon?”

Banta pa ni Willie, dapat ay ireklamo sa National Bureau of Investigation ang mga nagpapakalat ng fake news na ito.

“Papano ba ‘yan ireklamo sa NBI? Pwede, ano? Hanapin niyo nga yung Facebook account. Hindi ho totoo ‘yan. Kaya kalimutan yung mga ganyan-ganyang fake news. Andami hong ganyan ngayon. Wag kayong maniniwala. Wag kayong maniniwala diyan. Hindi totoo ‘yan. Wala kayong magawa sa buhay. Pati mga taong nananhimik.”

Read Also: Heart Evangelista, Nag-Alay ng Madamdaming Mensahe sa Namayapang Anak na si Baby Mira

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment