Lyca Gairanod, Pinaiyak ang Lolang Namamasura Matapos Itong Bisitahin sa Kanyang Tahanan!

Si Lyca Gairanod ang isa sa mga pinakasikat na young singers ngayon sa industriya ng showbiz. Ngunit di katulad ng ibang artista, dumanas muna ng hirap si Lyca upang maaabot ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Bago maging singer ay naranasan ni Lyca na tumira sa kalsada, at doon nga siya nadiscover matapos mag-viral sa Facebook.

Ngayon ay kilala si Lyca bilang champion ng “The Voice Kids Philippines” noong 2014. Ngunit kahit pa sikat na siya, hindi mo kakikitaan ng pagiging matapobre si Lyca.

Sa katunayan, lagi itong lumilingon sa kanyang pinanggalingan. Tumutulong siya sa kapwa dahil alam niya ang pakiramdam noong sila’y kapos sa buhay.

Read Also: Aljur Abrenica, Masaya Raw sa Buhay Ngayon sa Kabila ng Hiwalayan Nila ni Kylie

Kamakailan lang, muli na namang naging usap-usapan sa social media ang kabaitan ni Lyca Gairanod. Ipinamalas niya ang kabutihan ng kanyang puso matapos tulungan ang isang lola na nangangalakal ng basura.

Sa kabila ng katandaan nito ay nagta-trabaho pa rin siya upang may maipangtustos sa kanyang pangangailangan. Ayon kay Lyca, labis siyang naantig sa kwento ni Lola matapos itong mag-viral sa social media.

Nakaka-relate din siya dito, dahil noong siyam na taong gulang pa lamang siya ay nangangalakal na rin siya ng basura para makatulong sa pamilya. Kaya naman hinanap ni Lyca ang lolang ito upang matulungan niya.

“Kasi matanda na siya, e. Ako, medyo bata pa, kaya medyo okay sa akin. Pero siya kasi, nu’ng nakita ko siya, talagang yung parang nabiyak yung puso ko. Alam mo yung nararamdaman ko nung nangangalakal pa ako. Parang nakita ko sa kanya na sobrang hirap magtrabaho, tsaka sa tanda niyang iyon, nagtatrabaho pa rin siya,” pahayag ni Lyca.

Upang makatulong kay Lola, bumili si Lyca ng mga grocery para kahit papaano ay matustusan ang pang-araw araw na pangangailangan nito. Personal ring sinadya ni Lyca ang tahanan ni Lola upang maiabot ang mga grocery na ipinamili niya.

Read More: Ogie Diaz, May Prangkang Advice kay Dani Barretto Tungkol kay Kier: “Mag-Ama pa rin Kayo”

Silipin ang buong pangyayari sa kanyang vlog:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment