Dating Sexy Star, Halos Di na Makilala at Nagpapalaboy-Laboy na Lang Ngayon sa Lansangan

Ang mundo ng showbiz ay pabago-bago. Maaaring nasa rurok ka ng kasikatan ngayon, ngunit sa isang iglap ay maaaring mawala na lang ang iyong career. Dahil dito, habang bata pa ay nag-iinvest na ang karamihan sa mga artista para sa kanilang pagtanda. Ngunit nakakalungkot isipin na hindi lahat ay kayang gawin ito.

May mga dating artista na matapos lisanin ang showbiz ay tila naligaw na ang landas. Kung dati ay hinahangaan sila sa telebisyon, ngayon naman ay dinadaan-daanan na lamang sila sa kalye. Isa nasa kanila ang dating young star na si Brandy Ayala. Natatandaan mo pa ba ang talentadong aktres na ito?

Read More: Ethel Booba, Napaiyak na Lang Matapos Mabasag ang Luxury Cup Worth P378,000!

Ipinanganak siya bilang Remedios Estrada, ngunit sa kanyang pagsabak sa industriya ng showbiz ay pinili niya ang screen name na Brandy Ayala. Noong kapanahunan ng ating mga nanay at tatay, si Brandy Ayala ang isa sa mga sikat na modelo noon. Sa katunayan, kabilang rin siya sa grupo na tinaguriang ‘Liquor Beauties.’

Noong 1980, ang manager niya ay ang namayapang talent scout na si Rey dela Cruz. Dahil sa kanyang angking ganda at talento, bumida rin sa iba’t-ibang programa, pelikula, at endorsements si Brandy. Ngunit habang siya’y nasa rurok ng kasikatan ay nalulong rin sa ipinagbabawal na gamot ang sexy star.

Dahil dito, unti-unting nawala ang kinang ni Brandy. Hanggang sa pagtanda niya ay nawala na siya sa kanyang sarili dahil sa ipinagbabawal na gamot. Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang post ng isang netizen na nakakita kay Brandy na pagala-gala na lamang sa SM City San Lazaro at nanghihingi ng limos.

Ayon naman sa mga malalapit na kamag-anak nito, ilang beses na nila sinubukang kupkupin ang dating sexy star. Ngunit lagi raw itong umaalis at hindi na nila nakikita. Sa kabilang banda, inulan naman ng prayers at suporta si Brandy mula sa mga mabubuting puso na mga netizens.

Read Also: “Mali na nga gagaya ka pa! T*nga ka ba?”-Rendon Labador, May Patama kay Robin Padilla

Ano ang masasabi mo sa kwetong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment