Sa panahon ngayon, nagkalat na ang mga scammer sa social media. Isa sa mga usong scam ngayon ay ang fake deliveries, kung saan oorder ng Grab o Food Panda ang scammer at gagamit ito ng ibang pangalan. Marami na ang nabibiktima ng scam na ito, at maging mga sikat na celebrities ay naperwisyo na rin dahil dito.
Isa na sa kanila ang Kapuso actress na si Kris Bernal. Kamakailan lang, isiniwalat ng aktres na naging biktima siya ng fake bookings mula sa food delivery service na Grab. Nagulat na lamang daw siya nang may dumating na mahigit 23 order deliveries sa kanyang bahay kahit pa wala naman siyang ino-order.


Read More: Angel Locsin, Ginulat ang mga Fans sa Kanyang Bagong Hair Transformation!
“I have no idea who did this. All I know is I didn’t do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment. What saddens me the most is I’m not the only one affected in this situation but also the Grab drivers who were victims of the fake deliveries,” pahayag ni Kris sa Instagram.
Upang matukoy ang totoong scammer, dumulog si Kris Bernal sa tanggapan ng broadcaster na si Raffy Tulfo. Kasama niyang nagreklamo ang dating Sexbomb member na si Grace Nera. Ayon kay Grace, ang scammer ay walang iba kundi si Ludilyn Odono, na mas kilala rin bilang Jenjen Manalo.

Dagdag pa ni Grace, dati pa man ay nanloloko na talaga si Ludilyn upang makahingi ng pera o load. Maging siya ay naperwisyo din nito, at araw-araw daw ay tinatawagan siya nito at kung ano-ano ang sinasabing hindi maganda. Hindi nagtagal ay nahuli din nila si Ludilyn, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil sa harassment.
Ayon kay Tulfo, kung mapapatunayang si Ludilyn nga ang nag-order ng mga fake bookings gamit ang fake na pangalan, maaari siyang sampahan ng kaso ng unjust vexation at attempted estafa. Sa kabilang banda, nakiusap naman ang maraming Grab drivers na tumigil na ang ganitong mga modus dahil naghahanapbuhay lamang sila.

Read Also: Julia Montes, Napagod na sa Pagtatago! Inamin sa Publiko ang Lovelife Niya Ngayon
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment