Bilang isang artista, hindi habangbuhay na matayog ang takbo ng iyong karera sa showbiz. Kaya naman sa panahon ngayon, karamihan sa mga wais na celebrities ay nagi-invest na sa real estate properties gaya na lamang ng bahay at lupa. Talaga namang napakasarap makitang mayroong napupuntahan ang mga pinaghirapan nila.
Kabilang na sa kanila ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa si Heart sa mga tinaguriang real life “crazy rich Asians.”
Dalagita pa lamang ay nagta-trabaho na ito sa showbiz, kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit marami na ring naipundar ang aktres.


Read More: “Hahantingin kita, Aljur!”- Robin Padilla, May Banta sa Manugang na si Aljur Abrenica
Isa sa mga latest na acquired properties ng 36-anyos na aktres ay ang kanyang mala-paraisong resort sa Boracay.
Taong 2021 lamang nang ibalita ng aktres na isa siya sa mga co-owners ng maliit na resort sa Station 1. Ayon kay Heart, isa ito sa mga wise investments na naipundar niya mula sa kanyang 24 years na pagta-trabaho sa showbiz.
Sa kanyang vlog, ipinasilip rin ni Heart ang loob ng Harlan Beach Villa Boracay. Ang buong beachfront property ay two-storey villas na mayroong relaxing swimming pool. Ayon kay Heart, na-acquire niya ito gamit ang kanyang lifetime savings.

“I put a bit of my lifetime savings with other partners for this little resort. I really want to vlog it because I want to invite you guys one day. Just a little bit but it’s hard work, and I’m so happy that I did that. So yes after working for 24 years I think it’s important that we invest our hard-earned money and now it’s time to enjoy the fruits of labor.”
Ayon sa report ng ABS-CBN, hindi rin biro ang presyo ng overnight stay sa Harlan Beach Villa. Dahil sa magagandang amenities nito, aabot sa mahigit P12,000 ang cabana rates nito. Ngunit kung nais mo namang rentahan ang kahat ng 4-bedroom suites, aabot ito sa mahigit P50,000 for 10 persons.
Read Also: Heart Evangelista, Nag-Alay ng Madamdaming Mensahe sa Namayapang Anak na si Baby Mira


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment