Isang babaeng itago na lang natin sa pangalang Evelyn ang labis na na-in love sa kanyang ka-opisina. Hindi nagtagal, sila’y naging magkasintahan. At dahil mapusok ang kanilang pagmamahalan, may nangyari sa kanila kahit pa isang linggo pa lamang silang magkarelasyon. Ngunit hindi inaasahan ni Evelyn na agad magbubunga ang kanilang pagmamahalan.
At dahil hindi pa sila handa sa responsibilidad, napagdesisyunan ni Evelyn at ng kanyang kasintahan na ipalaglag ang baby. Habang nasa isang tagong clinic sila sa Quiapo, napaluha na lang si Evelyn matapos marinig ang kanta sa radyo na tila ba nagpapahiwatig na wag na niyang ituloy ang kanyang binabalak.

Read More: Ethel Booba, Napaiyak na Lang Matapos Mabasag ang Luxury Cup Worth P378,000!
“Masdan kami anghel na ligaw. Wala sa langit kahit anong gawin di makita pa rin. Pag ibig lamang ang aming hiling, Bakit pinagdamot mga bagay na nanaisin? Kaya nangangarap na lamang ng gising. Na sana’y marating mga munting pangarap namin ay maging abot kamay.”
Sa kabila nito ay tinuloy pa rin ito ni Evelyn at hindi nagtagal ay naghiwalay rin sila ng kanyang boyfriend. Ilang taon pa ang nakalipas at unti-unti nang nakakalimutan ni Evelyn ang kanyang mapait na karanasan, hanggang sa makilala niya ang lalaking kanyang papakasalan.

Masaya si Evelyn na simulang muli ang kanyang buhay kasama ang kanyang mister. Ngunit nagtataka sila dahil kahit pa ilang beses nilang sinusubukan ay hindi sila nagkaka-anak. Limang taon ang lumipas at wala pa ring bunga, kaya naman nagpatingin na sila sa doktor.
Ayon sa doktor, may namataang problema sa matres ni Evelyn na siyang dahilan kung bakit hindi sila magka-anak. Dahil dito, habambuhay na rin siyang hindi na mabibiyaan ng supling.
Alam ni Evelyn na may kinalaman ang kanyang pagpapalaglag sa kondisyon niya ngayon, ngunit hindi niya ito ipinagtapat sa kanyang asawa sa takot na iwanan siya nito. Ngayon niya lang rin naisip na nasa huli talaga ang pagsisisi.

Read Also: “Mali na nga gagaya ka pa! T*nga ka ba?”-Rendon Labador, May Patama kay Robin Padilla
Ano ang masasabi mo sa kwetong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment