Actor-Dancer John Prats, Masayang Winelcome ng Showtime Family Bilang Bagong Direktor Nito

Karamihan sa mga artista ay nangangarap na maging direktor. Sa katunayan, maraming batikang direktor ngayon ang nagsimula muna sa pag-akting bago sumabak sa pagdidirek ng pelikula. Nakatulong ang kanilang karanasan sa pag-arte upang maging mahusay na direktor. Kaya naman maituturing na goals ito ng kahit sinomang artista.

Kamakailan lang, sa wakas ay natupad na rin ang matagal na pinapangarap ng aktor na si John Prats. Sa loob ng ilang dekada ay nakilala si John Prats sa kanyang galing sa pag-arte sa telebisyon at sa pelikula. Ngunit sa pagkakataong ito, siya naman ang nasa likod ng kamera bilang isang direktor!

Read Also: “Nasaktan, Gumanda, Nag-Artista!”- Ex-Fiance ni Scottie Thompson na si Pau Fajardo, Sasabak na sa Showbiz

Maraming fans ang talagang natuwa matapos malamang nag-direk si John Prats sa sikat na noontime show na “It’s Showtime.” Noong nakaraang Biyernes ay mayroong special shoutout ang host na si Vhong Navarro sa kanilang bagong direktor. Masaya niyang winelcome si John sa kanilang “Showtime family.”

“Dapat i-enjoy natin ngayon dahil ang direktor natin ngayon ay si John Prats. Direk John Prats in the house,” agad namang pinalakpakan ng ibang hosts ang kanilang bagong direktor, kabilang na si “Chinita Princess” Kim Chiu. Ngunit hindi naman nilinaw kung ngayon lang ba ito, o magiging permanenteng direktor na si John ng programa.

Sa Instagram, ibinahagi naman ng aktor ang kanyang larawan sa pagdi-direk sa Showtime. Pinasalamatan niya rin si Arnel Natividad, na isa sa mga top directors ng Kapamilya network. Nagbahagi rin ang aktor ng insightful quote sa author na si Adrienne Posey.

“A great director gives life to a work of art, gives it a heartbeat, a pulse, opens its eyes to the world.” Agad rin namang nag-comment ang mga “It’s Showtime” hosts gaya ni Kim Chiu at Jugs Jugueta.

Matatandaang nitong February 2021 lamang nang tuluyan nang mamaalam sa programa ang direktor nito na si Direk Bobet Vidanes. Siya ang naging direktor ng programa sa loob ng 11 years, kaya naman labis rin na nalungkot ang mga host sa biglaang paglisan niya upang lumipat sa ibang network.

Read More: “Totoo naman, mataba naman talaga ako”- Angel Locsin, May Prangkang Mensahe sa mga Bodyshamers Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment