Usap-usapan ngayon sa social media ang heart-to-heart talk ng celebrity couple na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Sa kanilang interview, siniyasat ni Mariel ang opinyon ni Robin tungkol sa pambababae. Diretsahan niya rin itong tinanong kung kailan ang huling beses na natukso siya sa ibang babae.
“Kapag tumingin ka sa magandang babae, tingnan mo na kasi pag inalis mo ang tingin mo at tiningnan mo ulit, iyon, kasalanan na ‘yun,” pabirong sagot naman ni Robin. Ayon pa dito, hindi naman siya nagagalit o nagseselos tuwing naga-gwapuhan si Mariel sa mga K-drama idols nito.

Read Also: Aljur Abrenica, Masaya Raw sa Buhay Ngayon sa Kabila ng Hiwalayan Nila ni Kylie
Nilinaw rin ni Robin ang sinabi niya sa kanyang interview kay Ogie Diaz. Marami ang hindi nagustuhan ang sinabi nito na pag-Muslimin na lamang si Aljur dahil sa pambababae nito kay Kylie.
Paliwanag naman ni Robin, dapat ay mayroong ‘justice’ upang mapanindigan ng lalaking Muslim ang pag-aasawa ng mahigit sa isa pa.
“Ang point ko, kahit na sinong lalaki na madoktrinahan ng Islam, walang kahit kailan sinabi roon na magparami ka ng asawa. Ngayon kung hindi mo kaya, ay pinapayagan kang mag-asawa ng dalawa, tatlo, apat, kung kaya mong magbigay ng justice. Kung hindi mo kayang magbigay ng justice, mag-asawa ka ng isa lang,” paglilinaw ni Robin.

Kamakailan lang, sa kanyang interview kay Ogie Diaz ay nagbahagi rin si Binoe ng kanyang saloobin tungkol sa pambababae.
Ayon sa beteranong action star, mahirap iwasan ang tukso lalo na’t sila’y nasa industriya ng showbiz. Ito rin di umano ang dahilan kung bakit nag-advice siya kay Aljur na mag-Muslim na lang ito.
Sa kabilang banda, umani naman ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang heart-to-heart talk na ito ni Mariel at Robin. Maraming netizens ang natuwa dahil sapagkat mayroong magkaibang pananaw si Robin at Mariel ay nagagawa pa rin nilang magkaroon ng healthy discussion.

Read More: Ogie Diaz, May Prangkang Advice kay Dani Barretto Tungkol kay Kier: “Mag-Ama pa rin Kayo”
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment