Hindi madali ang pag-aalaga sa sanggol. Sa kabila nito, talagang nakakatuwa tunghayan ang kanilang development. Nakaka-excite para sa mga magulang na marinig ang first word o di kaya nama’y masaksihan ang first step ng kanilang anak. Ngunit kailangan ng ibayong tyaga at pasensya bago dumating ito.
Kaya naman maraming netizens ang labis na nagtaka sa kwento ng sanggol na ito mula sa Lanao del Sur.
Ayon sa ina ng bagong-silang na sanggol na ito, kahit wala pa itong dalawang buwan ay kaya na niyang magsalita at umupo ng mag-isa! Posible nga kayang mangyari ito?


Read More: Angel Locsin, Ginulat ang mga Fans sa Kanyang Bagong Hair Transformation!
Kamakailan lang, naging tampok sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kwento ng baby na ito. Binansagan itong ‘miracle baby’ dahil sa di umano’y nakakamanghang abilidad nito. Kahit na isang buwan pa lamang si Tingting Bolawan, kaya na daw nitong umupo at magsalita, ayon mismo sa nanay niya at tita niya.
“Dito na ako tumanda sa Marugong, pero first time kong nakakita ng ganoon kaliit na bata! Miracle talaga si Tingting Bolawan. Nakakaupo siya mag isa kahit bagong silang pa lang siya! Marami ang nakakita, hindi naman ako magsasabi ng hindi totoo,” pahayag ni Anissa, na tiyahin ng bata.


Sa isang video, makikitang napapaligiran ng mga tao sa kanilang bahay si baby Tingting. May ilang sandali na animo’y napapaupo ang sanggol at umaangat ang ulo nito. Ngunit ayon sa mga netizens, mukhang ginagalaw lamang ng nanay ang kanyang kamay upang pagmukhang nakakaupo ito.
Silipin ang comments ng mga netizens dito:
“Mabuting ipatingin nyo ang sanggol sa pediatrician. Ipa newborn screening na rin. Dysmorphic features, low birth weight. Baka may congenital/acquired syndrome.”
“Kawawa nmn n baby pinag lalruan nila.
Panu uupo eh parang pinipilit lng ng nanay na paupoin. my deperensya na nga po ang baby ginaganyan pa!”
Read Also: Julia Montes, Napagod na sa Pagtatago! Inamin sa Publiko ang Lovelife Niya Ngayon
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment