Bilang artista, talaga nga namang hindi mo maaasahan ang takbo ng iyong karera. Maaaring ngayon ay isa kang tanyag na aktres o aktor, ngunit sa paglipas ng panahon ay maaari ring malaos ang iyong pangalan. May mga nananatili sa showbiz, samantalang mayroon rin namang mas piniling mag-focus sa kanilang personal na buhay.
Curious rin ba kayong malaman kung nasaan na ngayon ang mga sikat na artista noon? Silipin natin ang naging takbo ng karera at buhay ng mga sikat na “Pantasya ng Bayan” na ito, na tinaguriang naggagandahang aktres sa showbiz.
Read More: Actor-Dancer John Prats, Masayang Winelcome ng Showtime Family Bilang Bagong Direktor Nito

1. Priscilla Almeda
Naaalala niyo pa ba si Priscilla? Isa siya sa mga pinakamagagandang sexy stars noong 90s. Dahil sa kanyang galing sa pag-arte ay bumida rin si Priscilla sa iba’t-ibang pelikula na naging blockbuster. Matapos lisanin ang showbiz ay nag-migrate sa Alberta, Canada si Priscilla upang doon na manirahan.

2. Aleck Bovick
Noong early 2000s, bumida sa ilang sexy movies ang star na si Aleck Bovick. Kabilang sa mga naging proyekto niya ay ang “Tampisaw” (2002), “Masarap na Pugad (2002), at “Naglalayag” (2004). Taong 2007 nang lisanin niya ang showbiz industry at magsimula ng pamilya kasama ang actor-producer na si Carlo Maceda.

3. Ynez Veneracion
Isa si Ynez Veneracion sa mga itinuring na “Pantasya ng Bayan” noon. At kahit pa matapos ang kanyang mga sexy roles, patuloy na ginampanan ni Ynez ang role bilang kontrabida sa telebisyon. Kamakailan lang, sa kanyang edad na 40, ay nagsilang si Inez ng kanyang ikalawang anak. Talagang blooming at glowing pa rin ang celebrity mom.

4. Joyce Jimenez
Sumikat si Joyce bilang isang sexy star noong late 90s. Bumida rin siya sa iba’t-ibang pelikula, gaya na lamang ng “Scorpio Nights 2” (1999), “Warat” (1999), “Narinig Mo Ba Ang Latest?” (2001,) at “Ano Bang Meron Ka?” (2001).
Sa kasalukuyan ay hindi na nagbalik showbiz pa si Joyce, at mayroon na siyang tatlong anak sa kanyang mister na si Paul Ely Egbalic.
Read Also: “Never say never”- Toni Gonzaga, May Plano nga Bang Sumabak sa Politika?
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment