Pagdating sa paghahanap ng trabaho, dapat ay presentable ang kandidato upang ma-impress ang kanyang employer. Kaya naman todo effort tayo sa pag-aayos tuwing mayroong job interviews. Ngunit may mga tao talaga na minamalas sa job hunting, at kahit pa ilang interviews na ang kanilang pinasukan ay hindi pa rin sila natatanggap.
Isa na sa kanila ang Thailand national na ito na si Do Quyen. Dahil sa kagustuhang matanggap sa trabaho, ilang beses itong nagbakasakali sa mga interviews.
Ngunit kada araw ay umuuwi siyang luhaan dahil hindi siya natatanggap sa trabahong kanyang pinapasukan. Kaya naman nakaisip si Do ng paraan upang mabago ito.


Read More: Angel Locsin, Ginulat ang mga Fans sa Kanyang Bagong Hair Transformation!
Naniniwala si Do na natu-turn off ang kanyang mga employers dahil sa kanyang itsura, kaya naman nagpasya itong magparetok! Sumailalim siya sa iba’t-ibang cosmetic surgeries at procedures upang baguhin ang kanyang itsura at mas maging presentable tuwing naghahanap ng trabaho.
Ngunit tila hindi nakuntento si Do sa isang operasyon lamang. Hindi lang isa, kundi siyam na cosmetic procedures ang ginawa sa kanya para lamang mabago ang kanyang itsura!
Kasama na dito ang double eyelid surgery, rhinoplasty, lip implants, at marami pang iba. Kapansin-pansin rin ang pagputi at pagkinis ng balat ni Do.


Dahil sa kanyang nakakagulat na transformation, agad namang nag-viral si Do sa social media. Paniguradong hindi na siya makikilala, lalo pa’t artistahin na ang looks niya ngayon! Ayon sa 26-anyos na internet sensation, masaya at kuntento naman daw siya na na-achieve ang kanyang desired looks.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang namangha sa malaking pagbabago ni Do. Aminado rin ito na hindi na siya nahihirapang maghanap ng trabaho ngayon, kumpara noong hindi pa siya sumasailalim sa mga surgeries.
Read Also: Julia Montes, Napagod na sa Pagtatago! Inamin sa Publiko ang Lovelife Niya Ngayon


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment