Sa panahon ngayon, talaga nga namang every peso counts. Lalo na pagdating sa business, kung saan maging isang sentimo ay napakalaking halaga na. Kaya naman ingat na ingat ang mga business owners sa kanilang pera, ngunit hindi maiiwasan ang mga insidente na maaari kang mawalan nito. Gaya na lamang ng naging karanasan ni RR Enriquez.
Si RR ay kilalang dancer at host sa Kapamilya network dati. Ngayon ay sumabak na rin siya sa pagnenegosyo, at talaga nga namang matagumpay na ang kanyang bagong venture.
Kamakailan lang, ibinahagi ni RR ang di inaasahang pangyayaring talagang nagpakamot ng kanyang ulo. Ayon dito, nawalan siya ng malaking halaga.

Read More: Rob Moya, May Isang Malaking Pinagsisisihan Matapos Silang Magkabalikan ni Toni Fowler
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni RR na inutusan niya ang kanyang staff at driver na magdeposit ng malaking halaga sa bangko.
Mahigit P2.3 million na cash ang iniabot niya sa kanyang staff. At bago ito umalis, binilang niya pa ng maigi ang pera upang masigurado na kumpleto ito pagdating nila sa bangko.
“My driver brought the money (sealed sa box) picked up my staff and bring her to the bank. Pag dating ng bank, when the teller count the money sa machine. It’s 2,316,000 na lang. Nawawala ang 64 thousand. Ayaw ko magbintang, but hindi naman ako magtatanga-tangahan lang. Binilang ito many times so sure na tama yung money.”

Upang makasigurado, chineck rin ni RR ang bag ng kanyang staff at maging ang kanyang driver. Ngunit wala rin daw sila nakita.
Kaya naman agad na pina-imbestigahan ni RR sa bangko ang insidenteng ito. At upang makita niya ang buong pangyayari, hiningi rin niya ang kopya ng CCTV.
Ayon din kay RR, isang wake up call ito sa kanya na maging mas alerto pagdating sa pera, lalo pa’t kung malaking halaga. Nangako rin siya na ia-update niya ang mga netizens sa kalalabasan ng imbestigasyon upang malaman ang katotohanan.


Read More: Rob Moya, May Isang Malaking Pinagsisisihan Matapos Silang Magkabalikan ni Toni Fowler
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment