"Go Ivana!"- Dra. Vicki Belo, Dinedma ang Beauty ni Nadine Lustre sa "Who Wore it Better"

Usong-uso na ngayon sa social media ang “Who Wore It Better.” Ipinagkukumpara ang mga artista na parehas ng outfit of the day, at papapiliin ang mga netizens kung sino nga ba ang mas nagdala ng damit. Dito rin makikita kung sinong artista nga ba ang mas maporma sa kanyang mga outfits. Kahit sino ay maaaring sumali sa botohan, maging kapwa nila celebrity!

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang komento ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa “Who Wore It Better.” Sikat si Dra. Belo sa kanyang affiliations sa mga celebrities na nag-e-endorse ng kanyang brand na Belo Medical Clinic. Isa na sa kanila si Ivana Alawi, na naging latest endorser ng brand na ito.

Read More: Kampo ni Katrina Halili, Nilinaw na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni John Lloyd Matapos Kumalat ang Larawan Nila Online

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit para kay Dra. Belo ay mas matimbang si Ivana sa showdown na ito.

Sa isang larawan mula sa Fashion Pulis, makikitang pinagkumpara si Ivana Alawi at ang Viva artist na si Nadine Lustre. Parehong nakasuot ng beige corset ang dalawa, at para kay Dra. Belo, si Ivana ang mas nagdala ng outfit na ito.

Nagulat ang mga netizens nang mapa-comment ang celebrity doctor ng: “Go Ivana!” Agad namang umani ng maraming likes ang comment na ito ni Dra. Belo. Karamihan sa kanila ay nag-a-agree sa doktora, at aminadong di hamak na mas maganda nga si Ivana kumpara kay Nadine Lustre sa mga larawang ito.

May mga netizens naman na nagpahayag na mas maganda kay Nadine ang fit ng damit dahil saktong-sakto ito sa body type ng aktres. Ayon pa sa kanila, mas fierce si Nadine kahit pa may filter ang picture nito.

Ngunit bago pa man ito, alam niyo bang malapit na sa isa’t-isa si Ivana at Dra. Belo? Sa katunayan, ilang beses na ring naging special guest si Ivana sa Youtube channel ni Dra. Belo. At sa isa niyang vlog, ibinahagi rin ni Ivana na niregaluhan siya ng bonggang Louis Vuitton na bag ng celebrity doctor.

Read Also: Jake Zyrus, Aminadong 5-Anyos pa Lang Siya ay Kinukwestiyon na Niya ang Kanyang Katauhan

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment