Mukhang maswerte ang taong 2021 para sa love life ni Ara Mina. Nitong June 30 lamang ay ikinasal na ang beteranang aktres kay Philippine International Trading Corporation Undersecretary Dave Almarinez. Maraming netizens ang talagang kinilig sa mala-fairy tale wedding ng dalawa, na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel.
Pribado ang seremonya, at tanging mga malalapit na kapamilya at kaibigan lamang ng newlyweds ang imbitado. Isa na sa kanila ay ang ex-boyfriend ni Ara Mina na si Bulacan Mayor Patrick Meneses. Si Mayor Meneses rin ang ama ng anim na taong gulang na unica hija ng aktres na si Mandy.


Read More: John Lloyd Cruz at Katrina Halili, Huling Nagba-Bonding sa Rest House ng Aktor sa Batangas
Sa isang ekslusibong panayam sa Philippine Entertainment Portal, ipinahayag ni Mayor Meneses na labis ang saya niya para sa bagong kasal. Dagdag pa nito, na-appreciate niya rin na personal pa siyang inimbitahan ni Ara upang dumalo sa nalalapit na kasal nito.
Sa katunayan, kahit pa busy ang schedule ni Dave ay nag effort pa rin ito na makasama siya, bagay na labis namang na-appreciate ni Meneses. “Actually, they went to my house. We’re really good friends, e. Even Dave and I. Dave made an effort for us to meet,” pahayag ni Mayor Meneses sa kanyang interview.

Dagdag pa niya, ‘soulmates’ ang dalawa. Nakikita niya rin daw kung gaano sila kasaya sa isa’t-isa, kaya naman masaya rin siya para sa ina ng kanyang anak. Mensahe pa nito sa bagong-kasal, talagang napakaswerte nila sa isa’t-isa at nawa’y maging masagana ang kanilang pagsasama.
“Siyempre, it’s not every day that anyone finds their soulmate. She’s very lucky and Dave’s lucky as well. They found each other, soulmates sila. I feel so blessed to be part and to witness this ceremony. This is the biggest event in their life.”
Read More: Jean Garcia, Hindi na Nakatiis! Kinompronta si Alwyn at Sinabing Bastos Ito sa Social Media


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment