[VIRAL] Mga Huling Sandali ng AFP Aircraft Bago Ito Nag-Crash, Huli sa Video na Ito

Kamakailan lang, buong bayan ang nagluksa sa isang malagim na trahedya na naganap sa Jolo, Sulu. Isang eroplano ng Philippine Air Force ang nag-crash, na nagresulta sa pagkawala ng maraming buhay. Tinatayang ito na ang pinakamalalang trahedyang panghimpapawid sa Pilipinas sa loob ng ilang dekada.

Ayon kay Armed Forces Chief Cirilito Sobejana, hindi maayos na nakapaglanding ang C130 sa runway strip ng Jolo. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang eroplano at bumagsak ito sa kalapit na bayan ng Patikul. Matapos bumagsak ay sumabog ang eroplano, na nag-resulta sa pagkasawi ng halos kalahati sa mga pasahero.

Read More: Donya Noon, OFW Ngayon: Babaeng Marangya ang Pamumuhay Dati, Nauwi sa Pagiging Kasambahay Abroad

Tinatayang nasa 96 ang pasahero ng C130 na pawang mga military personnel. At sa halos isang daan na lulan nito, 47 ang pumanaw matapos sumabog ang aircraft, habang nasa 49 naman ang nakaligfas. Ayon sa isang statement, tumalon ang mga survivors sa lupa nang malapit ng mag-crash ang eroplano na syang nagligtas sa kanilang buhay.

“Minutes after the crash, troops and civilian volunteers rushed to the site for search and rescue. Per eyewitnesses, a number of soldiers were seen jumping out of the aircraft before it hit the ground sparing them from the explosion caused by the crash,” nakasaad sa official statement ng Joint Task Force Sulu.

Ilang sandali bago tuluyang mag-crash ang eroplano ay nakunan pa ito ng video ng mga residente. Napansin nila na tila hindi na maayos ang lipad nito. Sa isang video na nag-viral sa social media, makikita ang eksaktong oras ng pagsabog nito noong 11:30 ng umaga.

Ayon kay Commander William Gonzales, tatlong sibilyan ang nasawi matapos matamaan ng eroplano, samantalang apat naman ang sugatan. Sa kasakukuyan ay nagsagawa na ng pormal na imbestigasyon upang malaman ang puno’t dulo ng malagim na trahedyang ito.

Read Also: “Sobra ka talaga”- Melai, Napaiyak Matapos Ibinuking ang Totoong Ugali ni Erich sa Likod ng Camera!

 

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment