Kahit walong taon na ang nakalipas simula nang mag-come out siya, aminado ang award-winning singer na si Jake Zyrus na hanggang ngayon ay may mga challenges pa rin siyang kinakaharap. Sa kanyang latest na interview kasama si Toni Gonzaga, nag-open up ang 29-anyos na international singer tungkol sa kanyang journey.
Bago siya nakilala bilang Jake Zyrus, sumikat siya bilang si Charice Pempengco. Buong mundo ay napahanga sa galing niya sa pag-awit, at maging mga international figures gaya ni David Foster at Oprah Winfrey ay labis ang paghanga sa kanyang talento.
Ngunit noong 2013, nagulat ang mga fans nang ibunyag niya ang totoo niyang pagkatao.

Read More: John Lloyd Cruz at Katrina Halili, Huling Nagba-Bonding sa Rest House ng Aktor sa Batangas
Ayon kay Jake, sa murang edad pa lang ay kinukwestiyon na niya ang kanyang pagkababae. Ngunit noong mga panahong iyon, hindi niya magawang magsalita tungkol sa kanyang totoong nararamdaman dahil maging siya man ay nalilito pa rin.
“Probably a lot of people won’t believe me but I was five years old when I realized na I was really confused. At five years old, that was my thought. Obviously, I didn’t know any labels or anything like that. So I don’t understand. And I remember that my first crush in Grade 1 was a girl,” pahayag ni Jake.
At sa ilang taon na sinubukan niyang itago ito, dumanas rin daw siya sa matinding depresyon. Dahil dito, tatlong beses niyang sinubukang wakasan ang kanyang buhay.


Maswerte naman daw siya dahil sa kabila ng kanyang mga kinakaharap na problema, mayroon pa ring mga naniniwala sa kanya, gaya na lamang ng Canadian singer na si David Foster.
“I tried to kill myself three times. I was 18 or 19 at that time. Nasa isip ko kapag nag-come out ako, it’s over. That’s the thing. ‘Yung nasa isip ko at that time was other people, I don’t want to disappoint them, the fear of acceptance. I didn’t want to disappoint David, Oprah, my mother. The pressure of you fitting in as well.”
Sa kanyang pagbabalik tanaw, ayon kay Jake ay malaki ang pasasalamat niya kay Charice dahil ito ang nagbigay daan ng kanyang pagiging malaya ngayon.
Malaki rin daw ang utang na loob niya sa Diyos na siyang nagbigay sa kanya ng tapang na harapin ang kanyang mga problema.

Read More: Jean Garcia, Hindi na Nakatiis! Kinompronta si Alwyn at Sinabing Bastos Ito sa Social Media
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment