Sa mundo ng showbiz, bihira ka ng makanahap ng tapat at mapagkakatiwalaang kaibigan. Kaya naman kapag nakahanap ka nito ay wag mo nang pakawalan pa. Maswerte naman ang celebrity mom na si Melai Cantiveros dahil marami siyang treasured friend na halos kapatid na ang tingin niya. Kabilang na sa kanila ay si Erich Gonzales.
Nagkasama na rin sa ilang proyekto si Melai at Erich, gaya na lamang ng pelikulang “I Do” at teleserye na “Two Wives.”
Ayon kay Melai, likas na kay Erich ang pagiging mabait at mapagbigay. Hinding-hindi niya raw makakalimutan ang mga kabutihang ipinakita sa kanya ng aktres na ito noon.

Ayon kay Melai, tuwing napapadalaw siya sa dressing room ni Erich ay hindi niya mapigilang humanga sa mga magaganda at sosyal na gamit nito. Labis naman daw ang pagkagulat niya nang bigla na lang sa kanyang i-offer ito ni Erich.
“Lahat ng mga gamit niya, ‘Mels, sa iyo na ito.’ Yung parang ‘ang ganda naman niyan.’ ‘Sa iyo na ‘yan.’ ‘Ano ka ba Ers, nagandahan lang ako.’ ‘Mels, dito ka sa dressing room ko.’
Naalala mo ba Ers dati na parang nag-offer-offer ka pa sa akin, may mga offer ka sa akin na bahay. Sabi niya, ‘Sige na ako bahala, ano ba kailangan mo?’”


Dagdag pa ni Melai, dumating rin sa punto na nag-offer sa kanya si Erich ng bahay. Ngunit tinanggihan ito ni Melai, sapagkat ayaw niyang isipin ni Erich na ginagamit lamang niya ito. Ayon kay Melai, masaya na siya dahil alam niyang bukal sa loob ang mga pagtulong na ito ni Erich.
Dagdag pa niya, si Erich ang tipo ng kaibigan na hinding hindi ka papabayaan lalo na kung ikaw ay nasa oras ng kagipitan. Kaya naman labis ang tuwa ni Melai na nakilala niya at naging ka-close niya ang aktres na ito.
“Ers, alam mo magkaibigan tayo pero hindi ako ganyan, ayaw kong gamitin ba na ganoon ba.’ Ito talaga grabe ka-generous. Sobra ka talaga na magiging kontento ka sa kanya pa lang. At si Erich kasi kapag siya ang mag-choose ng friend niya talagang hindi ka na niya titigilan. Talagang susundan at susundan ka na niyan.”

Read Also: Jake Zyrus, Aminadong 5-Anyos pa Lang Siya ay Kinukwestiyon na Niya ang Kanyang Katauhan
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment