Isang mag-ina mula sa Hasaan, Misamis Oriental ang naitampok sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Sa ilang araw, naghuhukay sila para sa bunker sa isang propesiya. Ayon kay Charity Enot at ang kanyang siyam-na-taong gulang na anak na si Clark, nagbigay ng nakakakilabot na pangitain sa kanila ang Diyos tungkol sa paparating na trahedya.
Sa kanyang interview, ibinahagi ni Charity na nagbigay ng pangitain sa kanila ang Diyos sa pamamagitan ng panaginip. Maging ang kanyang anak ay di umano’y nakita ito.
Ayon sa mag-ina, magkakaroon ng pagdilim na tatagal ng tatlong araw, kung kailan magkakaroon rin ng delubyo na siyang magiging sanhi ng pagkamatay ng marami.


Read More: Jaclyn Jose, Labis na Humanga sa Simple at Tahimik Pamumuhay ng Anak na si Andi sa Siargao
“Nanaginip ako. Nagpakita si Lord. Sabi Niya sa akin, ‘Gumawa kayo ng bunker.’ Magkakaroon daw ng ‘Three Days of Darkness’ at mga plague. Doon kami sa bunker titira. Kasi sa ‘Three Days of Darkness,’ mag-explode daw ang mga nuclear bomb. Malaki raw yung magiging pagputok at magkakaroon ng radiation na makakapatay sayo.”
Dahil dito, kinailangan raw nilang maghukay ng bunker sa ilalim ng lupa upang makaligtas mula sa delubyong ito. Sa loob ng tatlong araw, si Charity at ang kanyang anak ay dito mamamalagi. Kaya naman humingi rin sila ng donasyon mula sa social media upang maisakatuparan ang bunker na ito.

Ayon kay Clark, nagbigay rin ng detalye ang Diyos kung paano nila iko-construct ang bunker. Dapat raw ay maglagay sila ng exhaust fan at apat na mesa, at sa loob ng tatlong araw ay mananatili sila dito. Naghahanda na rin ang mag-ina ng mga de lata na makakain nila habang sila’y nasa ilalim.
“Malaki raw yung magiging pagputok at magkakaroon ng radiation na makakapatay sayo. Ang sabi Niya po, liitan lang. May cabinet sa likod tapos maglagay ng exhaust fan at apat na upuan. Maghintay lang daw kami at mag-pack ng maraming food at supplies. Natakot po ako!”


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment