Dating Child Star na si Serena Dalrymple, Engaged na sa Kanyang Long-Time Boyfriend!

Naaalala niyo pa ba ang child star wonder na si Serena Dalrymple? Kung ikaw ay isang batang ’90s, malamang ay kilalang-kilala mo ang child star na ito. Noong late ’90s, isa si Serena sa mga pinakasikat na child star sa mundo ng showbiz. Una siyang sumikat sa kanyang memorable na commercial ng Jollibee chickenjoy noong 1997.

Hindi nagtagal ay nagtuloy-tuloy na rin ang projects at offers para sa talentadong child star. Sa kabila ng kanyang murang edad, nakatrabaho niya rin ang mga respetadong aktor sa industriya. Ngunit marami ang nagulat nang bigla na lamang ianunsyo ni Serena noong 2004 na tatalikuran na niya ang showbiz.

Read More: VIDEO: Bagong Silang na Sanggol sa Mindanao, Nakakapagsalita at Nakakatayo nga ba Mag-Isa?

Mas pinili ni Serena na mag-focus sa kanyang pag-aaral. Hindi katulad ng ibang artista, nais ni Serena na magkaroon ng ibang career mula sa pagiging artista.

At nakamit naman niya ito, dahil ilang taon ang nakalipas ay nakapagtapos si Serena ng Export Management sa De La Salle-College of Saint Benilde!

Ngunit hindi dito nagtatapos ang pangarap ni Serena. Matapos maka-graduate ay tumungo naman ito sa London upang makamit ang kanyang master’s degree sa Hult’s International Business School. Sa ngayon ay nagta-trabaho si Serena bilang manager sa Center of Excellence sa Viacom New York.

Ngunit mukhang hindi lang sa career talagang maswerte si Serena. Kahit sa kanyang love life, hinahangaan ang dating child star dahil nahanap na niya ang kanyang true love!

Kamakailan lang, napatanong pa ang mga fans kung nalalapit na nga ba ang kasal ni Serena at ng kanyang foreigner boyfriend dahil sa Instagram post na ito.

Sa kanyang IG profile, ibinahagi ni Serena ang maikli ngunit madamdaming pagbati sa kanyang boyfriend para sa kanilang anniversary.

Kapansin-pansin rin ang suot niyang singsing na may diamond. Maging ang mga fellow stars ni Serena dati tulad ni Camille Prats ay nagpahayag ng kanilang excitement sa kanyang engagement.

Read Also: Paolo Gumabao, Hindi Inatrasan ang Mapangahas na Role sa Bagong Pelikula Kahit pa Kailangang Maghubad

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment