Talagang hindi mapapantayan ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanilang anak. Kaya naman kahit mahirap ang buhay, tuloy pa rin ang pagkayod nila para lamang masustentuhan ang kanilang pangangailangan. At maging hanggang sa kanilang huling paghinga, iniisip pa rin nila ang kapakanan ng kanilang pamilya.
Kamakailan lang, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang nakakaiyak na kwento. Ang karanasan ni tatay Noel Perez ang nagpapatunay na hanggang sa kanilang huling hininga, iniisip pa rin ng mga magulang ang kanilang pamilya. Kaya naman kahit may kapansanan si Tatay Noel, tuloy tuloy pa rin siya sa pagkayod.

Read More: Donya Noon, OFW Ngayon: Babaeng Marangya ang Pamumuhay Dati, Nauwi sa Pagiging Kasambahay Abroad
Iisa na lamang ang kamay ni Tatay Noel. Taong 1983 nang masangkot siya sa isang malagim na insidente sa pinapasukang construction site. Nakuryente siya, na naging sanhi ng pagputol sa kanyang kanang kamay. Sa kabila nito, hindi naputol ang hangarin niyang bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Sa pamamagitan ng pagtitinda ng streetfoods tulad ng kikiam at fishball ay napagtapos ni Tatay Noel ang dalawa niyang anak sa pag-aaral. Ang isa ay nakapag-abroad upang makatulong sa kanilang pamilya, ngunit hindi ito sapat kung kaya’t hindi pa rin tumitigil si Tatay Noel sa pagta-trabaho.
“Nakapag-abroad nga po iyong anak ko pero mahina po iyong sahod, Ma’am. Eh kailangan ko pong magtrabaho tapos kailangan pa iyong misis ko po, kailangan pa iyong medication,” pahayag ni Tatay Noel.

Isa sa mga customers niya ang na-inspire sa kanyang kwento, kaya naman ibinahagi niya ito sa social media.
Silipin ang mga komento ng mga netizens dito tungkol sa nakakamanghang kwento ni Tatay Noel:
“Salute po sa inyo Sir isa kang huwarang ama. naway tularan ka po ng marami. Stay Healthy and GodBless you po.”
“Yan ang tunay na Ama walang inaatrasan sa hamon ng buhay. Saludo po ako sa inyong kasipagan Sir Noel at mag-ingat po kayo palagi at Godbless po.”

Read Also: “Sobra ka talaga”- Melai, Napaiyak Matapos Ibinuking ang Totoong Ugali ni Erich sa Likod ng Camera!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment