Sa panahon ngayon, isa sa mga pinaka gustong ma-achieve ng karamihan ay ang pagkakaroon ng ‘glass skin.’ Ito ay ang mala-porselanang kutis na inspired mula sa mga sikat na Korean celebrities. Kaya naman nagsulputan rin ang iba’t-ibang ‘rejuvenating set’ sa merkado na di umano’y magdudulot ng glass skin kapag ginamit.
Sa murang halaga ng P350, makakabili ka na ng rejuvenating set na mayroong toner, cream, at sabon. Trending ito sa social media, lalo pa’t sa pangako nitong pagkakaroon ng glass skin sa loob ng isang linggo. Ngunit mag-ingat sa paggamit nito, dahil maaaring makasama ito sa iyong kalusugan.

Read More: Jon Gutierrez, Diretsahang Sinagot Kung Mahal Niya pa ba si Jelai Kahit pa Kinasuhan Siya Nito!
Kamakailan lang, ibinahagi ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang adverse reactions ng rejuvenating skin set. Isa sa mga gumamit nito ay si Amy Bacalso. Dahil nakita niya ang magandang epekto nito sa ibang users, nahikayat rin siyang gamitin ito sa kanyang mukha. Ngunit hindi niya inaasahan ang magiging epekto nito.
“Nu’ng unang gamit ko sa kanya, may konting hapdi. Tapos humapdi na nang humapdi ‘yung mukha ko! Sobrang init na ng feeling tapos ang kati niya! Hanggang sa namaga ‘yung mukha ko. Nangitim at nagda-dry at may namumuo nang balat sa mukha ko! Nasa point na siya na hindi ako makakain dahil sa sobrang sakit.”


Ayon sa dermatologist, maaaring magkaroon ng adverse effects gaya ng dermatitis lalo pa’t kung sensitive ang iyong balat. Mayroong kemikal ang ibang rejuvenating set na maaaring mag-cause ng inflammation at, lalo pa’t kung hindi ito nagamit ng maayos.
Payo rin ng mga dermatologists, dapat ay magsagawa muna ng skin test 24 hours bago gamitin ang skin product. Sa pamamagitan nito, malalaman mo rin ung allergic ka ba sa produktong ito.
Read Also: Ito na Pala ang Buhay ng mga “Pantasya ng Bayan” Noon Matapos Lisanin ang Showbiz

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment