Para sa mga kababaihan, likas na sa atin ang pagpapaganda. Mahilig tayong magpunta sa salon at magpaayos ng ating mukha o di kaya nama’y buhok. Kaya naman tuwing may transformation tayo, proud tayong ibahagi ito sa social media. Gaya na lamang ng aktres na si Angel Locsin, na kamakailan lang ay pina-wow ang kanyang mga fans sa bagong transformation!
Maraming netizens ang talagang humanga sa kagandahan ni Angel. Kamakailan lang, nagbahagi ito ng kanyang latest transformation sa social media. Sa isang video, makikita ang before and after video ni Angel bago siya sumailalim sa isang hair treatment.

Read More: Donya Noon, OFW Ngayon: Babaeng Marangya ang Pamumuhay Dati, Nauwi sa Pagiging Kasambahay Abroad
Makikita rin sa video ang talagang napakalaking pinagbago ng buhok ni Angel. Sa unang photo na ipinost niya, mapapansin na dry na dry at tila ba buhaghag na ang itsura nito. Ito ay maaaring naging resulta ng mga harsh treatments. Ngunit matapos ang transformation ay naging straight and shiny na ito!
Maging si Angel ay aminadong nagulat sa napakalaking pinagbago ng kanyang buhok. Ayon sa Kapamilya actress, hindi siya makapaniwala na kayang i-transform ng kanyang glam team ang kanyang buhok: “Nalurks ako ng slight sa pinagkaiba,” ito ang pahayag ni Angel sa kanyang Instagram page.

Ayon pa sa ibang fans, talagang malaki ang iginanda ni Angel matapos ang treatment ng kanyang buhok. Ayon pa sa iba, mas bumagay kay Angel ang hairstyle na ito dahil mas nagmukhang slim ang kanyang mukha. Matatandaang nagbago ang katawan ng aktres dahil sa medications na iniinom niya para sa kanyang back pain.
Silipin ang mga komento nila dito:
“Ang ganda talaga ni Angel! Kahit anong hairstyle bagay sayo Ms Darna.”
“Mas pumayat tignan mukha mo sa bago mo hairstyle.”
“Mukhang nagre-ready na to para sa kasal ah? Malapit na ba?”

Read Also: “Sobra ka talaga”- Melai, Napaiyak Matapos Ibinuking ang Totoong Ugali ni Erich sa Likod ng Camera!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment