Karamihan sa atin ay mahilig manood ng mga animated movies. Sa panahon ngayon, hindi na lang mga bata ang tumatangkilik sa mga films ng Pixar, Dreamworks, at Disney. Ngunit alam niyo ba na kahit pa pang-bata ang kwento ng mga animated films, kasali pa rin sa production ang mga paborito nating sikat na artista?
Silipin ang mga artistang ito na naging voice actor para sa mga sikat na animated film characters!
Read More: Dating Child Star na si Serena Dalrymple, Engaged na sa Kanyang Long-Time Boyfriend!
1. Kristen Bell (Anna, Frozen)

Ang Hollywood actress na si Kirsten Bell ang naging voice actor ni Anna, isa sa mga protagonist ng animated film na “Frozen.” Bukod sa pagiging dubber, ipinamalas rin ni Kristen ang galing niya sa pagkanta ng mga popular hit songs na “First Time in Forever” at iba pa.
2. Cameron Diaz (Princess Fiona, Shrek)

Isa sa mga pinakalucrative na projects ni Cameron Diaz ay ang pag-boses kay Princess Fiona sa “Shrek.” Dahil sa success ng unang film nito noong 2001, nasundan pa ng tatlong sequel ang animated film na ito ng Dreamworks. Kasama ni Cameron Diaz ang aktor na si Mike Myers, na siyang naging boses ni Shrek.
3. Selena Gomez (Mavis, Hotel Transylvania)

Si Selena Gomez naman ang naging voice actor ng sikat na animated film character na si Mavis sa “Hotel Transylvania.” Si Mavis ang bampirang anak ni Dracula, na binosesan naman ni Adam Sandler. Ngunit sa Hotel Transylvania 4, napabalitang magiging executive producer na rin dito si Selena Gomez.
4. Mandy Moore (Rapunzel, Tangled)

Sino nga ba ang makakalimot sa iconic Disney film na “Tangled?” Bukod sa napakagandang storyline nito, nakatulong rin sa pagsikat ng film na ito ang artistang nagboses kay Rapunzel na si Mandy Moore. Bukod sa kanyang voice talent, ipinamalas rin ni Mandy ang galing niya sa pagkanta.
5. Katy Perry (Smurfette, Smurfs)

Si Katy Perry ang naging voice actor para kay Smurfette sa sikat na kids’ animated film na “Smurfs” noong 2013. Ayon sa singer, labis siyang nag-enjoy sa kanyang brief voice acting stunt. Ngunit noong 2015, pinalitan ng singer na si Demi Lovato si Katy.
Read Also: Kylie Padilla, Tuluyan Nang Iniwan si Aljur at Lumipat sa Ibang Bahay Kasama ang mga Anak
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment