Kinumpirma na ni Robin Padilla ang totoong estado ngayon ng anak na si Kylie Padilla at asawa nitong si Aljur Abrenica. Sa kanyang interview kay Ogie Diaz, isiniwalat ng beteranong aktor na ilang buwan na ring hiwalay si Kylie at Aljur. Third party daw ang dahilan kung bakit tuluyan nang naghiwalay ang mag-asawa.
Ayon kay Robin, sinubukan niya pang kausapin ang kanyang anak, ngunit desidido na si Kylie na makipaghiwalay. Aminado rin si Robin na hindi siya nakikialam sa away ng mag-asawa, lalo pa’t bilang lalaki ay alam niya daw na hindi malabong magkaroon ng ibang babae si Aljur.

Read More: Heart Evangelista, Nag-Alay ng Madamdaming Mensahe sa Namayapang Anak na si Baby Mira
“Ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkasundo, hindi kayo dapat maghiwalay nang magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo. Nasarapan naman kayo pareho. Anong dahilan? Nagtaksil yung isa?Hindi ‘yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari lalo at nasa showbiz tayo,” pahayag ni Robin.
Bukod pa dito, ayaw niya rin daw kausapin at pagsabihan si Aljur dahil ayaw niyang mapahiya lamang siya. Aminado si Robin na naging babaero din siya noong kabataan niya. Gayunpaman, iisa lang ang mensahe na iniwan ni Robin kay Aljur pagdating sa kanyang anak.


Ayon kay Robin, hindi siya mangingiming komprontahin si Aljur kapag sinaktan nito si Kylie ng pisikal. Nagbanta ang beteranong action star sa kanyang manugang na ‘hahantingin’ niya si Aljur kung sakali mang marinig niya na sinaktan nito si Kylie ng pisikal.
“Walang sakitan at walang pisikalan. Yun naman ang sinabi ko kay Aljur. Ang mga unang tanong ko, ‘Sinaktan ka ba?’ Yun ang unang tanong. Dun lang tayo papasok, kapag nasaktan ang anak mo. P***, hahantingin kita, Aljur. T*****. Huwag mo gagawin yun sa anak ko. Hindi ko sinaktan yung batang ‘yan. Huwag mo gagawin yun, pare.”

Read Also: Kilalanin ang Flawless Misis ni Makisig Morales na Isang Australian Beauty Queen!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment