Paolo Gumabao, Hindi Inatrasan ang Mapangahas na Role sa Bagong Pelikula Kahit pa Kailangang Maghubad

Karamihan sa mga celebrities ay hindi ready na magkaroon ng nude scenes sa harap ng camera. Mas nanaisin nilang magkaroon ng body double para sa mga nagbabagang eksena na ito. Ngunit ibahin niyo ang rising actor na si Paolo Gumabao. Sa kanyang sensational na pelikula na “Lockdown,” game na game sa full frontal nudity ang 22-anyos na aktor.

Sa kanyang interview sa Philippine Entertainment Portal, ibinahagi ni Direk Joel Lamangan na noong una pa lang ay nakitaan na niya ng potensyal si Paolo.

Ngunit bago niya dito ibigay ang role, tinanong niya muna ito kung komportable ba sya sa on-screen nudity, bagay na agad naman daw sinang-ayunan ng professional na aktor.

Read More: Kampo ni Katrina Halili, Nilinaw na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni John Lloyd Matapos Kumalat ang Larawan Nila Online

“Sabi ko, ‘Itong batang ito, parang mahusay ito!’ Kinausap ko siya, ‘Alam mo, Paolo, kung ano ang kailangan mong gawin? Magpapakita ka ng t*t* dito.’ ‘Walang problema, Direk.’ Sabi ko pa, ‘Paolo, demanding ang role na ito. It’s not only for your acting, but you have to expose yourself to the entire world.'”

Dagdag pa ni Direk Joel, labis ang paghanga niya kay Paolo dahil sa professionalism nito sa set. Nagbiro pa ito na kahawig daw ni Paolo ang ama nitong si Dennis Roldan, na isa ring batikang aktor noon.

Ayon kay Direk Joel, talagang crush niya si Dennis Roldan noon kaya naman excited siyang makatrabaho ngayon ang anak nito.

Sa kabilang banda, sa kanyang nakaraang interview ay nilinaw rin ni Paolo na wala siyang reservations pagdating sa mga steamy scenes. Masaya lang daw siya na marami siyang na-meet at naka-trabahong professional actors, bagay na labis niyang na-appreciate.

““I think actors are supposed to be like that. When I was 15, my manager, Direk Manny Valera asked me, ‘Paolo, alam mo, pwede kang pang-sexy. Kung umabot sa panahon na kailangang gawin mo ‘yon, gagawin mo ba?’ ’Direk, gawin natin,'” pahayag nito.

Read Also: Jake Zyrus, Aminadong 5-Anyos pa Lang Siya ay Kinukwestiyon na Niya ang Kanyang Katauhan

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment