"Never say never"- Toni Gonzaga, May Plano nga Bang Sumabak sa Politika?

Isa si Toni Gonzaga sa mga pinakapremyadong aktres sa showbiz industry sa Pinas. Matunog ang pangalan ng Kapamilya aktres hindi lamang pagdating sa aktingan, kundi maging sa pagiging host at singer. Talagang maituturing nga na versatile celebrity si Toni dahil wala itong inaatrasang challenge.

Ngunit sa kabila ng kanyang mga achievements sa career at personal life, mayroon pa nga bang nais makamit si Toni? Karamihan sa mga artista sa Pinas ay sumasabak rin sa politiko. Gaya na lamang nina Mayor Isko Moreno, Senator Tito Sotto, Governor Vilma Santos, at iba pa. Dahil dito, napapaisip ang mga fans kung susunod nga ba si Toni sa kanilang yapak.

Read More: “Totoo naman, mataba naman talaga ako”- Angel Locsin, May Prangkang Mensahe sa mga Bodyshamers Niya

Sa kanyang nakaraang interview sa social media influencer na si Wil Dasovich noong July 14, tinanong ni Wil kung may posibilidad nga bang sumabak si Toni sa politika. Ayon kay Wil, karamihan sa mga artista ay nais gamitin ang impluwensya nila sa mga fans upang tumakbo sa posisyon.

“I’ve noticew, something that trends in the Philippines is later on in life, after entertainment industry is done or you’re over it, a lot of people transitioned to politics. Now, is this something that you see yourself maybe doing in the future?”

Diretsahan naman itong sinagot ng 37-anyos na celebrity mom. Ayon kay Toni, wala ito sa kanyang plano sa ngayon. Ngunit mas minabuti niyang wag magsalita ng tapos, lalo pa’t hindi naman masisigurado kung magbabago ba ang ihip ng hangin sa hinaharap.

“I don’t see myself in politics right now or anytime soon. But I don’t wanna say, never say never, di ba? No, but I don’t really see myself being a politician. In my heart right now, I don’t feel like that is something I should be doing. That’s what I feel,” pahayag ni Toni.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na politiko rin ang ama ni Toni na si Carlito “Bonoy” Gonzaga. Sa loob ng ilang taon ay nagsilbi ito bilang Vice Mayor ng Taytay, Rizal. Huling beses itong tumakbo noong 2019, ngunit hindi na siya pinalad.

Read Also: “Nasaktan, Gumanda, Nag-Artista!”- Ex-Fiance ni Scottie Thompson na si Pau Fajardo, Sasabak na sa Showbiz

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment