Nanay, Nagbabala sa Maaaring Panganib na Idulot ng Pagpapatulog sa Iyong Anak na Nakadapa!

Isang nanay ang nag-viral sa social media matapos ibahagi ang nakakatakot na nangyari sa kanyang anak. Ayon kay Venussa Dungo, hindi niya akalaing manganganib ang buhay ng kanyang sanggol na anak dahil lamang sa maling posisyon ng pagtulog nito. Nagulat na lamang daw siya matapos malaman na mayroon palang masamang epekto ito sa kanyang anak!

Ayon sa concerned nanay na ito, nagpost siya sa Facebook ng larawan ng kanyang anak na natutulog habang nakadapa. Agad namang nag-message sa kanya ang isang netizen at sinabihan siyang wag padapain ang kanyang anak, dahil maaari itong makaranas ng kondisyon na sudden infant death syndrome o SIDS.

Read More: Kampo ni Katrina Halili, Nilinaw na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni John Lloyd Matapos Kumalat ang Larawan Nila Online

“Wag nating sanayin mga baby na natutulog nakadapa especially ages less than on year. Iwasan itabi sa pagtulog. Wag tatabihan ng kumot, unan o extrang mga bahay. Make sure na nakadighay after magdede. Wag masyadong balutin ang baby. Patulugin ng nakatihaya, they may overheat,” pahayag ni Venussa.

Agad namang nag-viral ang post na ito sa social media. Maraming mga concerned na nanay ang nakapulot ng kaalaman sa post na ito. Ayon pa sa kanila, malaki rin ang maitutulong nito sa mga first-time moms na hindi pa sapat ang kaalaman pagdating sa pag-aalaga sa kanilang sanggol na anak.

Ang SIDS ay ang di maipaliwanag na pagpanaw ng mga sanggol na may edad anim na buwan pababa. Ngunit kahit pa hindi matukoy ang dahilan nito, nagbabala naman ang mga eksperto sa mga bagay na maaaring humantong sa SIDS. Kabilang na dito ang pagpapatulog sa iyong anak habang siya’y nakadapa.

Ang paninigarilyo ng nanay tuwing nagbubuntis ay maaari ring maitaas ang risk ng SIDS. Bukod pa dito, inirerekomenda rin ng mga doktor ang pagpapa-breastfeed sa mga sanggol upang mas lumakas ang kanilang resistensya.

Read Also: Jake Zyrus, Aminadong 5-Anyos pa Lang Siya ay Kinukwestiyon na Niya ang Kanyang Katauhan

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment