Balik big-screen na nga ba ang tambalan ni Julia Montes at Coco Martin? ‘Yan ang tanong ng mga fans matapos mamataang magkasama ang dalawa sa taping. Kamakailan lang, kinumpirma naman ng rumored celebrity couple na magtatambal sila sa comeback movie ni Julia Montes matapos ang ilang taon pamamahinga niya sa paggawa ng pelikula.
Ayon sa report ng Philippine Ultimate Showbiz Hub, kasalukuyang nasa Mindoro si Julia at ang “Ang Probinsya” actor para sa kanilang taping. Namataan ang dalawa na magkasama sa Pola, Oriental Mindoro. Sa mga larawang ibinahagi sa social media, makikitang magkasama ang dalawa sa iisang sasakyan.

Read More: Dating Sexy Star, Halos Di na Makilala at Nagpapalaboy-Laboy na Lang Ngayon sa Lansangan
Makakasama di umano ni Julia at Coco ang batikang aktor na si Raymart Santiago. Makakatrabaho rin nila ang isang baguhang aktres, ngunit sa ngayon ay hindi pa ito pinapangalanan. Co-producer naman ni Coco Martin si Brillante Mendoza sa kanilang upcoming film na ito.
Hindi ito ang unang beses na namataang magkasama sa publiko si Julia at Coco. Nitong nakaraang buwan lang, napabalitang magkasamang nagbakasyon sa Boracay ang dalawa matapos silang makuhanan ng larawan sa airport.

Sa kabilang banda, kahit pa hindi diretsahang inamin ni Julia na si Coco ang partner niya ngayon, may pahiwatig naman ang aktres. Ayon kay Julia, mayroon siyang boyfriend ngayon an taga-showbiz din. Mas pinili di umano nilang maging low-key upang hindi mabahiran ng intriga at kontrobersya ang kanilang pagsasama.
“Personal choice namin yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami pag ano kasing nandiyan, sisirain. Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. Wag na nating paguluhin pati yung atin.'”
Read Also: Ellen Adarna, Isiniwalat ang Aktor na Nakakawala ng Focus ang Kagwapuhan! Sino Kaya Ito?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment