Kamakailan lang, na-intriga ang publiko matapos ianunsyo ng GMA 7 na magiging Kapuso na ang isang award-winning actress. Ngunit hindi naman inaasahan ng mga fans na si Bea Alonzo pala ang pinakabagong magiging Kapuso. Kabilang si Bea sa ilang mga artista na lumipat sa ibang networks matapos magsara ang kanyang home network na ABS-CBN noong May 2020.
Ngayong July 2021, tuluyan nang ibinunyag ng GMA na isang ganap na kapuso na ang 33-anyos na aktres! Ito’y matapos pumirma si Bea ng tumataginting na P200-million contract sa Kapuso network. Marami ang nae-excite sa bagong proyekto ni Bea, at paniguradong aabangan ito ng mga fans.


Read More: John Lloyd Cruz at Katrina Halili, Huling Nagba-Bonding sa Rest House ng Aktor sa Batangas
Sa kabila nito, hindi maitatangging marami ang nabigla sa kanyang paglipat. Maituturing na isang ‘solid Kapamilya’ si Bea, lalo pa’t simula’t sapul ay sa ABS-CBN na lumago ang kanyang career.
Matatandaang taong 2001 nang sumali si Bea sa talent search program na “Star Circle,” kung saan siya nadiscover.
Ayon sa mga ibang nagtatampo na fans, nabigla sila sa pangangabilang bakod ni Bea. Hindi rin nila inaasahan na iiwan nito ang Kapamilya network, lalo pa’t ito ang nag-groom sa kanya upang maging superstar. Ngunit sa kabila ng lahat ay nangako pa rin silang susuportahan ang aktres sa kanyang mga bagong projects.

Silipin ang komento ng mga fans dito:
“It is not that we are being bitter. but we are very disappointed with the decision. She is damn spoiled by ABS who always gave her projects.”
“Hindi ko masisi si Bea sa sobrang sakit kasi ng mga naranasan nya baka gusto din nya munang magchange environment.”
“Di man lang tumanaw ng utang na loob. Kung tutuusin may stars ang ABS na mas maliit sa kanya at mas madalang ang projects pero di naman nila iniwan ang ABS.”

Read More: Jean Garcia, Hindi na Nakatiis! Kinompronta si Alwyn at Sinabing Bastos Ito sa Social Media
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment