Naaalala niyo pa ba si Makisig Morales? Isa siyang talentadong child star na kinagigiliwan noon ng mga fans. Sumikat si Makisig matapos itong manalo sa kids talent search na “Little Big Star.” At dahil sa kanyang angking talento sa pag-arte, agad namang napasama sa malalaking proyekto ang child star na ito at mas nakilala siya bilang si Super Inggo.
Sa kasalukuyan, kahit pa hindi na aktibo sa showbiz si Makisig Morales, masaya naman siya sa kanyang buhay. Sa katunayan, tuluyan na ring nahanap ni Makisig ang babaeng magpapatibok ng puso niya! Alam niyo bang ikinasal na ang dating child star na ito? Talagang napakabilis ng panahon.


Read More: Angel Locsin, Ginulat ang mga Fans sa Kanyang Bagong Hair Transformation!
Taong 2019 nang ikasal si Makisig sa Australian beauty queen na si Nicole Joson. Si Nicole ay pinarangalan bilang Miss Earth Australia Charity 2017 at New South Wales Finalist sa Miss World Australia 2017. Kamakailan lang, nagbahagi rin si Makisig ng appreciation post para sa kanyang misis sa Instagram.
“I just thank God everyday na magkasama tayo sa hirap, ginhawa at kung ano pang mangyari sa earth. Im grateful dahil ang dami kong natutunan at matututunan pa sa many many years na pag sasama natin. Yung pagiging kalog and weirdness mo, it never fails to make me happy. ”


Ayon naman may Nicole, faithful at responsableng asawa si Makisig. Labis rin daw siyang humahanga dahil sa kabutihan ng loob nito pagdating sa paglilingkod sa Diyos. Talaga namang nakakakilig ang kanilang pagsasama, kaya maraming fans ang binansagan silang ‘Couple Goals.’
“So marry the man whose love is like God’s, faithful, eternal, and steadfast. This kind of love sticks through the hardest moments and buoys you through every storm. It’s a slow love, mundane in its dailyness. But it’s the kind of love you wake up to every morning.. because you can trust that it will still be there. I am yours and you are mine.”
Read Also: Julia Montes, Napagod na sa Pagtatago! Inamin sa Publiko ang Lovelife Niya Ngayon


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment